^

PSN Palaro

Mabangis ang Tigers!

-
Walang nakapansin sa University of Santo Tomas sa simula ng University Athletics Association of the Philippines men’s basket-ball tournament ngunit ngayon, ang lahat ng atensiyon ay nasa kanila.

Hindi man lamang nabanggit sa mga pabo-rito ang Tigers bago mag-simula ang titulo ngunit sila ang nakapag-uwi ng titulo matapos ang klasikong 76-74 overtime win sa winner-take-all match laban sa pinapaborang Ateneo de Manila Univer-sity sa punum-punong Araneta Coliseum kaha-pon.

Binigyang kaganapan ni Jojo Duncil ang tagum-pay na ito ng Uste sa kan-yang kahanga-hangang performance sa extra period kung saan wala nang maasahang Jervy Cruz at Anthony Espiritu na na-fouled out sa regu-lation.

Tulad ng tipikal na tigre, kapag nagkaroon ng pagkakataon, sinasag-pang nito ang biktima.

Ganyan na ganyan ang Uste na nagkaroon ng tsansa sa korona matapos hatakin ang laro sa overtime at hindi hina-yaan ni Duncil na masa-yang ang tsansa nang umiskor ito ng walong puntos sa extra period upang hindi makalayo ang Eagles kahit na anim na free-throws ang kanilang sinayang.

Ang split shot ni Dylan Ababou ang nagbigay sa Santo Tomas ng 75-74 trangko papasok sa huling 12.5 segundo ng labanan. Nagmintis si JC Intal sa isang lay-up at nakuha ni John Paul Cuan ang rebound na humantong sa jumpball laban sa Ateneo guard.

Nakuha ng Uste ang posesyon at na-foul ni Eric Salamat si Jose Cortez, 3.7 segundo na lamang ang natitira.

Ipinasok ni Cortez ang kanyang unang free-throw, nagmintis ang ikalawa na humantong sa agawan ng bola hang-gang sa tumunog ang final buzzer.

Hudyat ito ng malaking selebrasyon ng kampo ng Tigers na nagsubi ng katapusan ng 10-taong paghihintay ng Santo Tomas ng titulo matapos isubi ang ika-19th basket-ball title para maging winningest team sa UAAP makaraang tapusin ang best-of-three serye sa 2-1 panalo-talo.

"Wala naman akong ipinangako pero dahil nandiyan ang pagkaka-taon, saka lang tuma-pang," pahayag ni UST coach Pido Jarencio na siyang tanging nani-walang magkakampeon ang kanyang team sa simula pa lamang.

Tumapos si Duncil ng 18-puntos kasunod ng kanyang 21 point perfor-mance sa Game-Two na pinagwagian ng Uste sa 87-71, at ito ang dahilan kaya ipinagkaloob sa kanya ang Most Valuable Player ng Final series.

Abo’t abot ang pasa-salamat ni Jarencio sa lahat ng sumuporta sa Tigers mula sa mga estu-dyante, opisyal, alumni at sponsors ng eskuwela-han.

Naipuwersa ng Tigers ang laro sa overtime ma-tapos umiskor si Espiritu ng tres at lay-up ni Mark Canlas para itabla ang iskor sa 64-all, 37 segundo pa.

Nagkaroon ng dala-wang oportunidad ang Ateneo na ipanalo ang laro ngunit nabigong mai-convert ni Intal ang kan-yang mga attempts sanhi ng karagdagang limang minuto sa labanan. (Mae Balbuena)

ANTHONY ESPIRITU

ARANETA COLISEUM

ATENEO

DUNCIL

DYLAN ABABOU

ERIC SALAMAT

INTAL

JERVY CRUZ

JOHN PAUL CUAN

SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with