Si Luat na lang ang matibay
October 2, 2006 | 12:00am
Nananatiling walang talo si Rodolfo Boy Luat, bumagsak sa losers bracket si Alcano habang patuloy sa pagbangon si Antonio Gabica sa 2006 9-Ball US Open sa Chesapeake Convention Center sa Virginia kahapon.
Nakarating sa Final Four ng winners bracket si Luat matapos magtala ng 11-8 panalo laban kay Charlie Bryant. Susunod na makakalaban ni Luat si Rob Saez habang sa isa pang Final Four match ng winners bracket ay Gabe Owen versus David Broxson.
Nalaglag naman sa losers side si Alcano matapos ang 5-11 kabiguan sa ikaanim na round kontra kay Owen at kakalabanin nito si John Schmidt sa final-8 ng kaliwang bracket.
Umusad naman si Gabica sa final-8 ng losers bracket matapos ang 11-10 pamamayani laban kay Corey Dueul at susunod nitong kakalabanin si CJ Wiley.
Nasibak naman sa kontensiyon si Lee Van Corteza matapos mabigo sa bigating kalaban na si Mika Immonen, 4-11.
Ang iba pang match-up ng final-8 ng losers bracket ay Immonen versus Bryant at Darren Appleton versus Troy Frank. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended