^

PSN Palaro

Bugbog ang inabot ng Dragons sa Gin Kings

-
Tulad ng inaasahan, hindi nakaporma ang bagong saltang Welcoat Paints sa ‘pinalakas’ na Ginebra.

Sa pagbubukas ng 2006-2007 season opening conference na Talk N Text PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum, bugbog ang inabot ng Welcoat Dragons laban sa Gin Kings sa nag-iisang larong naka-iskedyul kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagdeliber agad ang bagong player ng Ginebra na si Rudy Hatfield na kumamada ng 21-puntos upang suportahan si Mark Caguioa na nagtala ng game-high na 23 puntos.

Kontrolado na ng Gins ang Welcoat sa kaagahan pa lamang ng laro ngunit lumayo ng husto ang Ginebra sa ikaapat na quarter patungo sa kanilang pagposte ng pinakamalaking kalamangan na 26-puntos.

Binuksan ng Gin Kings ang ikaapat na quarter sa pamamagitan ng 15-2 run na minitsahan ni Billy Mamaril sa pagkamada ng unang anim na puntos para ibandera ang 87-61 bentahe mula sa basket ni Erik Menk.

Humanay ang Ginebra sa season opening game winner na Red Bull na nagtala ng 99-93 panalo laban sa Alaska sa overseas game na ginanap sa Guam noong Huwebes.

Samantala, isang magarbong opening ceremonies ang ipinalabas ng PBA kung saan guest performer ang Apo Hiking Society at si Efren ‘Bata’ Reyes ang nagsagawa ng ‘ceremonial toss. (Mae Balbuena)

APO HIKING SOCIETY

ARANETA COLISEUM

BILLY MAMARIL

ERIK MENK

GIN KINGS

GINEBRA

MAE BALBUENA

MARK CAGUIOA

PHILIPPINE CUP

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with