^

PSN Palaro

Luat, Alcano tuloy pa rin sa pagsargo

-
Nananatili pa ring walang talo sina Ronnie Alcano at Rodolfo ‘Boy Luat upang makausad sa final-8 ng winners bracket sa 2006 9-Ball Billiards Open na ginaganap sa Chesapeake Convention Center sa Virginia.

Nagtala si Alcano ng impresibong 11-1 panalo laban kay Jerry Slivka sa ikalimang round upang isaayos ang pakikipagharap kay Gabe Owen habang tinalo naman ni Luat si Darren Appleton, 11-10 upang itakda ang pakikipagsagupa kay Charlie Bryant.

Kasabay nito, patuloy naman sa pagsulong ang tatlong Pinoy mula sa losers Bracket na sina Antonio Gabica, Gandy Valle at Lee Van Corteza.

Nakarating sa ikawalong round si Gabica matapos talunin sina Chris Bartram, 11-10; DJ McGinley, 11-2; at Rick Howard, 11-5. Susunod nitong makakalaban si Shawn Putnam para sa karapatang hamunin si Slivka.

Sinibak naman sa kontensiyon ni Valle sina Rodney Morris, 11-5; Steve Lillis, 11-4; at Po Cheng Kou, 11-5 upang itakda ang pakikipaglaban kay Steve Moore sa seventh round kung saan hinihintay ni Earl Strickland ang kanyang makakalaban sa dalawang ito.

Nakarating naman sa ikasiyam na round si Corteza nang dispatsahin nito sina Allen Hopkins, 11-10; Nick Varner, 11-10; Shane Van Boening, 11-10; Charles Altomare, 11-10 at Ryan McCreesh, 11-10.

Dalawang Pinoy naman ang nalagas kahapon sa pagkatalo nina Jose ‘Amang’ Parica at Santos Sambajon.

Nasibak si Parica matapos ang 9-11 kabiguan kontra kay Marcus Chamat habang nawalang saysay ang naunang panalo ni Sambajon laban kina Ronnie Wiseman, 11-4 at Evegeny Stalev, 11-10 matapos ang 10-11 kabiguan kontra kay Tony Robles.

Ang iba pang players na nananatiling walang talo ay sina  David Broxon, CJ Wiley, Troy Frank at Robb Saez. Magkalaban sina Broxon at Wiley ha-bang sina Frank at Saez naman ang magkakatapat. (Mae Balbuena)

ALLEN HOPKINS

ANTONIO GABICA

BALL BILLIARDS OPEN

BOY LUAT

CHARLES ALTOMARE

CHARLIE BRYANT

CHESAPEAKE CONVENTION CENTER

CHRIS BARTRAM

DALAWANG PINOY

SINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with