^

PSN Palaro

Alcano, Luat sinusuwerte pa

-
Patuloy ang magandang kapalarang tinatamasa nina Ronnie Alcano at Rodolfo Luat na siyang tanging dalawang Pinoy na hindi pa natatalo sa winners bracket matapos umusad sa ikalimang round sa pagpapatuloy ng 2009 9-Ball U.S. Open sa Cheasapeak Convention Center sa Virginia.

Tinalo ni Alcano si Joey Testa, 11-4 sa ikaapat na round habang iginupo naman ni Luat si Frankie Hernandez, 11-6 upang isaayos ang pakikipagharap laban kina Jerry Slivka at Darren Appleton sa susunod na round ayon sa pagkakasunod.

Bumagsak naman si Santos Sambajon at Lee Van Corteza matapos ang magkahiwalay na kabiguan sa kanilang third round matches sa winners side.

Masaklap na pagkatalo ang natikman ni Sambajon matapos maungusan ni Charles Altomare, 10-11 habang hindi naman nakayanan ni Corteza ang lakas ni Immonen, 8-11.

Bumawi naman si Sambajon sa kanyang kabiguan nang igupo nito si Adam Benhke, 11-7 sa losers side upang isaayos ang kanyang susunod na laban kontra kay Ronnie Wiseman sa ikalimang round.

Wala pang resulta ang laban ni Corteza kontra kay Allen Hopkins sa losers bracket, habang sinusulat ang balitang ito.

Patuloy naman sa pag-ahon sina Jose Parica, Antonio Gabica at Gandy Valle mula sa losers side matapos makarating ng ikaapat na round. Tinalo ni Parica si Dereck Leonard sa iskor na 11-7 upang itakda ang kanyang laban kontra kay Marcus Chamat. Sinibak naman ni Gabica si Nick Vita sa pamamagitan ng 11-9 panalo at ang susunod nitong asignatura ay si Chris Bartram.

Nagtala naman ng magaan na tagumpay si Valle kontra kay Evan Broxmeyer, 11-2 para isaayos ang kanyang laban kontra kay Rodney Morris.

Samantala, isa na namang Pinoy ang nalagas sa torneong ito matapos lumasap ng 9-11 kabiguan si Ramil Gallego laban kay Jayson Shaw. (Mae Balbuena)

ADAM BENHKE

ALLEN HOPKINS

ANTONIO GABICA

BALL U

CHARLES ALTOMARE

CHEASAPEAK CONVENTION CENTER

CHRIS BARTRAM

CORTEZA

DARREN APPLETON

DERECK LEONARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with