Game 2 ng UAAP hinagupit ni Milenyo
September 29, 2006 | 12:00am
Dahil sa bagyong Milenyo napilitan ang mga opisyal ng UAAP na kanselahin ang 3 finals games ng basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Iniurong ang Game 2 ng titular showdown ng Ateneo at UST para sa korona ng senior division, gayundin ang deciding Game 3 ng juniors at womens divisions, ayon sa pagkakasunod.
Gaganapin ang mga nakanselang laro sa Sabado at kung kinakailangan ng Game 3 ng best-of-three titular series ng Blue Eagles at Tigers ay gaganapin din ito sa Oct. 2 sa Big Dome.
Lamang sa serye ang Ateneo matapos ang panalo noong Linggo sa pagbubukas ng finals kung saan naging bayani si Doug Kramer na umiskor ng winning basket.
Sa Sabado din matutukoy ang kampeon sa juniors division sa pagitan ng Ateneo Eaglets at FEU Baby Tamaraws, gayundin ang womens side sa pagitan ng UST Lady Tigresses at FEU Lady Tams.
Naka-schedule din ang awarding ceremonies kung saan ihahayag ang MVP, Rookie of the Year at ang pinakaaabangan dito ay kung sino sa pagitan nina Kenneth Bono ng Adamson Falcons at JC Intal ng Ateneo Blue Eagles ang tatanghaling MVP ng tournament.
Tulad ng schedule kahapon, mauuna ang womens finals sa alas-12 ng tanghali, kasunod ang juniors fiinals sa alas-2 ng hapon at isisingit ang awarding ceremonies sa alas-3:30 ng hapon, bago ang Game 2 ng UST at Ateneo. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended