^

PSN Palaro

Luat, Alcano umusad

- Mae Balbuena -
Kasabay ng bagyong ‘Milenyo’ na tumama sa Metro Manila, tinamaan din ng malaking trahedya ang kampanya ng mga Pinoy sa kasalukuyang 2006 US Open 9-Ball Billiards Open nang tuluyang mahubaran ng titulo ang defending champion na si Alex Pagulayan.

Nasibak sa kontensiyon ang 2002 World Pool champion na si Pagulayan matapos malasap ang 9-11 kabiguan laban kay Steve Moore sa losers bracket.

Bago ito, nalasap ni Pagulayan ang 8-11 pagkatalo kay Tyley Eday sa ikalawang round ng winners bracket sanhi ng kanyang pagkalaglag sa ikalawang bahagi ng draw.

Umusad naman sa ikaapat na round ng winners bracket sina Rodolfo Luat at Ronnie Alcano na inaasahang magtatayo ng bandila ng bansa kasama ang anim pang Pinoy sa pagkawala ni Pagulayan at di pagkampanya nina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante sa torneong ito.

Si Luat na nakabye sa unang round ay nagtala ng 11-7 panalo laban kay Rob Brandenburg sa ikatlong round upang masundan ang 11-5 panalo laban kay Brando Shuff. Ang susunod nitong asignatura ay si Frankie Hernandez.

Naitakas naman ni Alcano ang 11-10 panalo laban kay Marcus Chamat sa ikatlong round matapos ang magaang na panalo laban kina Jimmy Garza, 11-43 at Adam Smith, 11-1 sa mga naunang rounds. Ang susunod nitong asignatura ay si Joey Testa.

Ang iba pang Pinoy na nanatili sa winners bracket ay sina Santos Sambajon na wala pang resulta ang third round match laban kay Charles Altoare matapos ang 11-6 panalo kay Timmy Hall sa pagsisimula ng kanyang kampanya sa ikalawang round makaraang makabye sa opening round.

Hinihintay pa rin ang resulta ng laban ni Lee Van Corteza laban kay Mika Immonen sa third round matapos ang 11-5 panalo kay Brondon Perezzo at 11-4 tagumpay kay Lee Holt para sa karapatang kalabanin si Mike Dennis sa ikaapat na round.

Nalasap naman ni Jose ‘Amang’ Parica ang 7-11 kabiguan laban kay Joey Testa sa winners bracket sanhi ng kanyang pagbagsak sa ikaapat na round ng loser draw.

Nasa ikatlong round naman ng loser bracket sina Ramil Gallego at Gandy Valle.

Tinalo ni Gallego sina Corey Dunn, 11-5 at Richard Broumpton, 11-8 para makabawi sa 8-11 pagkatalo kay Shan Van Boening sa winners bracket at maitakda ang pakikipagsagupa kay Jayson Shaw.

Bumawi naman si Valle sa 8-11 pagkatalo kay Chris Bartman sa winner’s draw sa pamamagitan ng 11-3 pamamayani kay Craig Houten upang isaayos ang laban kontra kay Evan Broxmeyer.

ADAM SMITH

ALEX PAGULAYAN

BALL BILLIARDS OPEN

BRACKET

JOEY TESTA

KAY

LABAN

PAGULAYAN

PINOY

ROUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with