Ang12,500-capacity main arena hay inayos din para sa Games at ang stadium ay isa sa limang lugar na pagdarausan ng football, at ang indoor hall naman ay gagamitin ng judo, karate and taekwondo.
Ang world-class Al Gharafa Sports Club ay dati ng lugar na palagiang host ng mga sporting events.
Ito ang tahanan ng Al Gharafa Football Club, ang current champions ng Qatar Football League, habang ang kalapit na Indoor Hall ang tahanan ng Al Gharafa Basketball Team na naglalaro sa National Basketball League.
Ang football at handball ay gaganapin sa Al Gharafa na kikilalanin din sa pagho-host ng Asian Games finals ng pinakapopular na sports sa limang venues.
Ang Lusail Shooting at Archery Complex ay isa rin sa pinakamalaking sports complex sa buong mundo na may state-of-the art facilities at mini Athletes Village na maaaring tirahan ng may 500 atleta at officials.
Ang Doha ay may 814 flats sa Asian Games Village, 45 flats para sa chefs de mission, at 45 National Olympic Committee (NOC) offices.
May 25 higanteng gusali din ito na pinalilibutan ng 270 kilometers fence fabric, at 17,000 banners at flags bitbit ang Doha 2006 brand at graphics na nakapalibot sa kalsada at boulevards ng Doha maging ang Volunteers Boulevard na babahayan ng may higit 17,000 volunteers.
May mga bagong gawa rin na gateways sa Corniche, ang bersiyon ng Doha sa pamosong Manila Baywalk.
Mahigit 10,500 athletes at officials ang inaasahang sasabak sa aksiyon na may kabuuang investment na $2.8 Billion dollars, at humatak ng 70 ibat ibang nationalities na magtatrabaho at mahigit 5,000 Asyano.
Ang pagsisikap na ito ng DAGOC ay sisiguro na maaalala ang palaro sa Doha bilang "Games of Your Life" pagkatapos ng Asiad. (Arsenic A. Lacson)