^

PSN Palaro

Pinakamagandang Asian Games - 3

-
DOHA, Qatar – Ang Qatar Sports Club ay kinilala sa buong mundo noong Mayo 12, 2006 nang pantayan ni Justin Gatlin ang 100m world record sa harap ng 12,000-strong crowd at worldwide TV audience sa Qatar IAAF World Super Tour athletics meet kung saan napabilang ang nasabing lugar sa kasaysayan.

Ang12,500-capacity main arena hay inayos din para sa Games at ang stadium ay isa sa limang lugar na pagdarausan ng football, at ang indoor hall naman ay gagamitin ng judo, karate and taekwondo.

Ang world-class Al Gharafa Sports Club ay dati ng lugar na palagiang host ng mga sporting events.

Ito ang tahanan ng Al Gharafa Football Club, ang current champions ng Qatar Football League, habang ang kalapit na Indoor Hall ang tahanan ng Al Gharafa Basketball Team na naglalaro sa National Basketball League. 

Ang football at handball ay gaganapin sa Al Gharafa na kikilalanin din sa pagho-host ng Asian Games finals ng pinakapopular na sports sa limang venues.

Ang Lusail Shooting at Archery Complex ay isa rin sa pinakamalaking sports complex sa buong mundo na may state-of-the art facilities at mini Athletes Village na maaaring tirahan ng may 500 atleta at officials.

Ang Doha ay may 814 flats sa Asian Games Village, 45 flats para sa chefs de mission, at 45 National Olympic Committee (NOC) offices.

May 25 higanteng gusali din ito na pinalilibutan ng 270 kilometers fence fabric, at 17,000 banners at flags bitbit ang Doha 2006 brand at graphics na nakapalibot sa kalsada at boulevards ng Doha maging ang Volunteers Boulevard na babahayan ng may higit 17,000 volunteers.

May mga bagong gawa rin na gateways sa Corniche, ang bersiyon ng Doha sa pamosong Manila Baywalk.

Mahigit 10,500 athletes at officials ang inaasahang sasabak sa aksiyon na may kabuuang investment na $2.8 Billion dollars, at humatak ng 70 iba’t ibang nationalities na magtatrabaho at mahigit 5,000 Asyano.

Ang pagsisikap na ito ng DAGOC ay sisiguro na maaalala ang palaro sa Doha bilang "Games of Your Life" pagkatapos ng Asiad. (Arsenic A. Lacson)

AL GHARAFA

AL GHARAFA BASKETBALL TEAM

AL GHARAFA FOOTBALL CLUB

AL GHARAFA SPORTS CLUB

ANG DOHA

ANG LUSAIL SHOOTING

ANG QATAR SPORTS CLUB

ARCHERY COMPLEX

ARSENIC A

DOHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with