^

PSN Palaro

5 pang Pinoy umusad

-
Isang dagok ang nalasap ng mga Pinoy na kumakampanya sa 2006 9-Ball US Open nang lumasap ng kabiguan ang pangunahing pambato ng bansa na si Alex Pagulayan na siyang defending champion sa torneong ito.

Ngunit nalukuban ang pagkatalo ni Pagulayan sa pag-usad ng limang RP cue artists sa ikatlong round ng winners bracket sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Cheasapeake Convention Center sa Virginia.

Matapos ang 11-8 panalo sa unang round ng winners bracket laban kay Korean Shen Yong Park, lumasap ang 2002 World Pool champion na si Pagulayan ng 8-11 pagkatalo laban kay Tyler Edey sa ikalawang round.

Dahil dito, kailangang dumaan si Pagulayan, ang top bet ng bansa sa prestihiyosong torneo sa pagkawala nina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco Bustamante, sa losers bracket upang maidepensa ang kanyang titulo.

Ang susunod na makakalaban ni Pagulayan sa kaliwang bahagi ng board ay si Stevie Moore. Kung nahirapan si Pagulayan sa kanyang laban, naging magaan naman ang pagmartsa nina Ronnie Alcano, Jose ‘Amang’ Parica, Rodolfo ‘Boy’ Luat, Santos Sambajon at Lee Van Corteza sa third round.

Matapos igupo ni Alcano si Jimmy Gaza sa unang round sa iskor na 11-4, tinalo naman nito si Adam Smit sa sumunod na laban sa 11-1 iskor upang itakda ang kanyang third round match kontra kay Marcus Chamat na nanalo naman kay Edwin Montal, 11-4.

Nagtala naman si Parica ng 11-3 panalo laban kay Tommy Kay sa first round na sinundan nito ng 11-1 pamamayani laban kay Edward Caurera. Susunod nitong kalaban si Joey Testa.Matapos maka-bye sa unang round, sinimulan naman ni Luat ang kanyang kampanya sa pamamagitan  ng 11-5 panalo kontra kay Brandon Shuff upang itakda ang pakikipagsagupa kay Rob Brandenburg na nanalo kay Ed Scott, 11-1.

Naka-bye din sa unang round si Sambajon at tinalo nito si Timmy Hall, 11-6 upang isaayos ang third round match laban kay Charles Altomare.

Makakaharap naman ni Corteza ang bigating si Mikka Immonen matapos ang 11-1 panalo kay Brandon Perezzo sa first round at Lee Holt sa ikalawang round.

Hindi naman pinalad si Gandy Valle laban kay Chris Bartnam matapos ang 1-11 kabiguan na lumukob sa kanyang  11-1 pamamayani kay Jerry Tarantula. Nabigo din si Antonio Gabica laban kay Jeremy Jones, 4-11 kaya’t makakasama nila sa losers bracket si Pagulayan at Ramil Gallego na natalo na sa unang round pa lamang laban kay Shane Van Boening. (Mae Balbuena)

ADAM SMIT

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO GABICA

BRANDON PEREZZO

BRANDON SHUFF

KAY

LABAN

MATAPOS

PAGULAYAN

ROUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with