Isa pang masaganang PBA inaasahan

Matapos ang isang masaganang taon na kinapitan ng pangunahing pagbabago sa tatlong area, magbubukas ng panibagong chapter ang Philippine Basketball Association sa kanilang nakasulat na kasaysayan na may panibagong pagsisikap.

Binigyan pansin nina league commissioner Noli Eala at incoming Board chairman Ricky Vargas ng Talk N Text na ang spirit ng optimism ay kanilang naramdaman sa pagbubukas ng 2006-07 season sa engrandeng press conference sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel, kahapon.

"We look forward with pride and honor to a new PBA season, one that we know will be full of expectations following a year marked by significant increase in gate receipts, attendance and television ratings," ani Eala.

"But with the support and thrust of the entire Board under chairman Ricky Vargas, team officials, players, the media, our TV coveror ABC-5 at most importantly the fans themselves, I am confident that the league will soar to even greater heights this coming 32nd season," dagdag ni Eala.

Ang mga kinita na naiposte noong nakaraang taon ay ang pinakamataas para sa PBA sapul noong 1996 season.

Isang bagong team, at elaborate scheme na tataguriang ‘20/20’ at ilang proyekto na bebenipusyuhan ang mga fans ang nagbigay ng kumpiyansa kay Eala na malalagpasan nila ang nagdaang taon.

Pormal ding tinanggap ni Eala ang Welcoat Dragons sa pamilya ng PBA, kasama sina co-team owner Raymund Yu at Terry Que, ang tambalang responsable sa dinastiya ng prangkisa sa PBL pagdating sa attendance.

Ang pagpasok ng Dragons na nagbigay sa bilang ng koponan sa 10 na sasabak sa aksiyon ngayong taon, ay isang bago sa liga sapul noong 2004-05 season.

Magkakaroon din ng siyam na provincial games ngayong conference ngunit tampok ang biyahe ng Red Bull at Alaska na maglalaban sa Guam sa September 28 na magmamarka sa unang official game ng season.

Show comments