Bagong Express ang paparada sa PBA
September 23, 2006 | 12:00am
Panibagong mukha ng Air21 Express ang masisilayan sa 2006-2007 season ng Philippine Basketball Association na posibleng makapagbigay sa kanila ng kauna-unahang titulo.
Apat na big men at isang point guard ang main core ng Express at ito ay sina 64 Nino Canaleta, 63 rookie Arwind Santos sa 2 at 3 slots, 65 Ranidel de Ocampo sa No 4 spot at ang kapatid nitong 67 na Yancy bilang sentro. Naririyan ang 60 guard na si Wynne Arboleda bilang point.
Siya ang magiging sandata ni Air21 coach Bo Perasol.
"We cant wait for the opening of the season. Were excited to see what we can do with our acquisition of Arwind Santos," pahayag ni Board representative at team manager Lito Alvarez.
Nakuha ng Express si Santos, dating Far Eastern Tamaraw bilang no. 2 overall sa Rookie Draft, at pinapirma naman nila ng panibagong tatlong taong kontrata si Yancy upang palakasin ang roster ng Express.
Pumirma si Santos, two-time UAAP MVP, ng three-year maximum contract na P8.5 million. Pumirma naman si De Ocampo, top draft pick noong 2002 Rookie Draft, ng P7.2 million deal.
Si Santos, ay maaasahan sa perimeter at sa rainbow area, at isa itong malaking karagdagan sa Express at nakita ito sa kanilang PBA pre-season matches, sa pamamagitan ng kanilang run-and-gun game.
"Im happy to be with Air21. Masarap dito. Siguradong magulo kami nila (Ronald) Tubid, (Nino) Canaleta, at Ranidel (de Ocampo) na nakasama ko sa national team," wika ni Santos.
Sa kabuuan, ang Air21 ay may height, kabataan at athleticism.
Naririyan din sina Mark Telan, Homer Se, Leo Avenido, ang comebacking na si Gary David at baguhan na sina Irvin Sotto at Aries Dimaunahan. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended