3 pares ng cager-artista ang ikakasal
September 22, 2006 | 12:00am
Tatlong malalaking kasalan ang nakatakdang mangyari sa 2007 sa mundo ng basketball at showbiz.
Una, ang inaasahang magiging church wedding of the year nina Kris Aquino at James Yap.
Ngayong 100% nang confirmed pregnant si Kris, plano raw na magpakasal sa simbahan sina Kris at James bago ang kapanganakan.
Tuwang-tuwa si James nung malaman niyang buntis nga si Kris at malapit na siyang maging isang ganap na ama.
Kung lalake ang magiging anak nila, papangalanan nila itong James Jr.
Naging masuwerte ang taong 2006 kay James dahil bukod sa nagchampion ang team niya, tinanghal din siyang Most Valuable Player sa PBA.
Naging masuwerte rin si Kris dahil bukod sa mataas ang rating ng kanyang mga TV shows, eh naging blockbuster hit din ang movie niya na Sukob.
In short, masuwerte silang dalawa.
Ikalawa, ang nalalapit na kasalan din nina Don Allado at ang aktres na si Maricar de Mesa. Matagal na rin naman ang relasyon nitong sina Don at Maricar at napatunayan na nilang sila talaga para sa isat isa kaya hayan, nagdesisyon na rin silang magpakasal finally.
At ang ikatlo, ang kasalang Danica Sotto at Mark Pingris.
Nagpaalam na si Danica sa kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie at nabigyan na siya ng basbas. Kaya next year, tuloy na ang kasalan!
Yan ang three big weddings and a baby in 2007!
Congratulations sa inyong lahat!
Punong puno ang Araneta Coliseum nung Miyerkules ng pula, all hoping for a grand victory celebration.
Pero hindi bumagsak ang lobo, hindi natuloy ang victory party dahil tinambakan ng PCU ang San Beda Red Lions.
Dahil nga naman sa tinambakan ng San Beda ang PCU nung Game 1, inasahan ng maraming basketball fans na magiging madali na para sa San Beda ang maiuuwi ang NCAA title.
Pero kabaligtaran ang nangyari.
Kaya ngayon, nag-iba na rin ang isip ng mga sumusubaybay sa NCAA.
Delikado na ngayon ang San Beda lalo nat ang momentum ay bumaliktad na at nasa kampo na ng PCU.
Ibang klase ang inilaro ni Gabby Espinas and unless Sam Ekwe will be able to stop him today, baka mag-iba pa ang ihip ng hangin sa kampeonato.
Nais ko lang i-share sa PSN readers ang isang text message na ipinakisuyo sa amin ng isang kaibigan: Para doon sa takot na takot magpa-insure dahil sa akala natin ay mahal ang insurance, heto ang good news. Ang Country Bankers Life Insurance, isang company na 41 years na sa insurance industry, ay nago-offer ng pinakamurang insurance plan ever. Sa halagang P300 for one year (opo, P300 lang for one year), insured ka na. In case of death by accident, ang naulila mo ay tatanggap ng P40,000 cash at P20,000 burial assistance, at kung by natural death, P20,000 cash at P20,000 burial assistance. Aba, ibang klase yan. Napakamura yan. Libu-libo na palang Pinoy ang naka-insure dyan. I am sure makakatulong ito sa maraming PSN readers kaya tawag na sa 523-8611 to 18.
Una, ang inaasahang magiging church wedding of the year nina Kris Aquino at James Yap.
Ngayong 100% nang confirmed pregnant si Kris, plano raw na magpakasal sa simbahan sina Kris at James bago ang kapanganakan.
Tuwang-tuwa si James nung malaman niyang buntis nga si Kris at malapit na siyang maging isang ganap na ama.
Kung lalake ang magiging anak nila, papangalanan nila itong James Jr.
Naging masuwerte ang taong 2006 kay James dahil bukod sa nagchampion ang team niya, tinanghal din siyang Most Valuable Player sa PBA.
Naging masuwerte rin si Kris dahil bukod sa mataas ang rating ng kanyang mga TV shows, eh naging blockbuster hit din ang movie niya na Sukob.
In short, masuwerte silang dalawa.
Ikalawa, ang nalalapit na kasalan din nina Don Allado at ang aktres na si Maricar de Mesa. Matagal na rin naman ang relasyon nitong sina Don at Maricar at napatunayan na nilang sila talaga para sa isat isa kaya hayan, nagdesisyon na rin silang magpakasal finally.
At ang ikatlo, ang kasalang Danica Sotto at Mark Pingris.
Nagpaalam na si Danica sa kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie at nabigyan na siya ng basbas. Kaya next year, tuloy na ang kasalan!
Yan ang three big weddings and a baby in 2007!
Congratulations sa inyong lahat!
Pero hindi bumagsak ang lobo, hindi natuloy ang victory party dahil tinambakan ng PCU ang San Beda Red Lions.
Dahil nga naman sa tinambakan ng San Beda ang PCU nung Game 1, inasahan ng maraming basketball fans na magiging madali na para sa San Beda ang maiuuwi ang NCAA title.
Pero kabaligtaran ang nangyari.
Kaya ngayon, nag-iba na rin ang isip ng mga sumusubaybay sa NCAA.
Delikado na ngayon ang San Beda lalo nat ang momentum ay bumaliktad na at nasa kampo na ng PCU.
Ibang klase ang inilaro ni Gabby Espinas and unless Sam Ekwe will be able to stop him today, baka mag-iba pa ang ihip ng hangin sa kampeonato.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended