^

PSN Palaro

TATAPUSIN NA NG RED LIONS

-
Ngayong araw na kaya makakamit ng Red Lions ang kanilang kauna-unahang korona matapos ang 28-taong paghihintay? 

"Siyempre, I will be a hypocrite kung sasabihin kong hindi ko pa inaasahan," wika ni coach Koy Banal. "May temptation pero we’ll try to focus on our game plan for us to achieve that objective."

 Inangkin ang 1-0 lead sa kanilang best-of-three championship series, pipilitin ng San Beda College na wakasan na ang kanilang pagkauhaw sa korona at ang pagtitiklop sa Philippine Christian University sa Game 2 ngayong alas-4 ng hapon sa 82nd NCAA men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum. 

Ibinulsa ng Red Lions, huling nagkampeon noong 1978 sa pamumuno nina Chito Loyzaga, JB Yango at Frankie Lim, ang series opener matapos igupo ang Dolphins sa Game 1 via 71-57 win. 

Sa nasabing panalo sa PCU, humakot si Pong Escobal ng 9 sa kabuuang 21 puntos ng San Beda sa final canto, habang nagdagdag naman ng 6 sa kanyang 12 marka si Ed Tecson. 

Tumipa rin ang Red Lions ng 59 rebounds, 39 rito ay pawang sa defensive boards, kumpara sa kabuuang 35 ng Dolphins, naghari noong 2004. 

"Siguro ‘yong advantage nila sa rebounding ang dapat naming i-check sa Game 2 kung gusto naming makabalik ulit sa series na ito," wika ni 6-foot-6 slotman Gabby Espinas sa Taft-based cagers.

 Hindi nakaiskor si Espinas, maglalaro sa San Miguel Beer sa darating na 2006 PBA All-Filipino Cup, sa kabuuan ng third quarter kung saan nilimita ng San Beda ang PCU sa 5 puntos kumpara sa kanilang 20.

 Sa juniors’ division, sisikapin naman ng nagdedepensang San Sebastian Staglets na tapusin ang kanilang serye ng PCU Dolphins sa ganap na alas-2 para sa Game 2.  (Russell Cadayona)

ALL-FILIPINO CUP

ARANETA COLISEUM

CHITO LOYZAGA

ED TECSON

FRANKIE LIM

GABBY ESPINAS

KOY BANAL

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with