Lumipad na noong Lunes ng gabi ang 27-anyos na si Pacquiao patungong Hollywood, California upang simulan ang kanyang pagsasanay sa Wildcard Boxing Gym sa ilalim ni American trainer Freddie Roach.
"Siguro dapat na kaming maglaban dahil mainit na kami sa isat isa at marami na siyang nasasabi laban sa akin," sabi ni Pacquiao, sasagupain si Morales sa ikatlong pagkakataon sa "Grand Finale" sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mach Center sa Las Vegas, Nevada.
Sa kanilang unang paghaharap noong Marso ng 2005, tinalo ni Morales si Pacquiao via unanimous decision bago nakabawi ang pambato ng General Santos City noong Enero sa pamamagitan ng isang knock-down sa 10th round. "Both of us ay nangangailangang maipanalo yung fight namin. Pero pipilitin ko talagang manalo para sa ating mga kababayan at para sa ating bansa," ani Pacquiao.
Kasama ni Pacquiao sa kanyang biyahe sina promoter Rex "Wakee" Salud at trainer Buboy Fernandez.
Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na WBC International super featherweight crown laban kay Morales na halos dalawang buwan nang nag-eensayo sa kanilang laban ng tinaguriang "Pacman".
Ayon kay Pacquiao, sapat la-mang ang natitirang panahon para sa kanyang paghahanda kay Morales.