Titulo abot-kamay na ng Red Lions
September 19, 2006 | 12:00am
Handa nang wakasan ng Red Lions ang kanilang 28-taong pagkauhaw sa korona.
Humugot ng pinagsamang 15 puntos sina Pong Escobal at JR Tecson sa final canto upang ihatid ang San Beda College sa 71-57 panalo kontra Philippine Christian University sa Game 1 ng kanilang best-of-three titular showdown para lumapit sa titulo ng 82nd NCAA mens basketball championships kahapon sa Araneta Coliseum.
Kailangan na lamang ng Red Lions, huling naghari noong 1978, na manalo sa Dolphins sa Game 2 sa Miyerkules upang tuluyang angkinin ang titulong dating hawak ng Letran Knights.
"Hindi natin alam kung kaya naming kunin but we will try our best to win it on Wednesday," ani coach Koy Banal sa hangad ng Mendiola-based cagers na huling umabante sa finals noong 1997.
Naghulog ang San Beda ng isang 12-0 bomba mula sa 30-34 halftime deficit para ilista ang 46-34 abante sa 3:05 ng third period patungo sa 50-37 pagbaon sa PCU sa huling 46.3 segundo buhat sa apat na sunod na freethrows ni Tecson.
Samantala, kinilala naman ang Nigerian na si Samuel Ekwe, tumipa ng 7 marka, 14 rebounds, 6 shotblocks at 3 steals para sa San Beda, bilang Rookie of the Year (ROY) at Most Valuable Player (MVP) base sa kanyang 38.9 Players All-Around Value (PAV).
Bukod sa naturang ROY at MVP Award, nasambot rin ng 6-foot-8 na si Ekwe, hindi makakalaro sa PBA bunga ng pagiging isang foreign player, ang Defensive Player plum mula sa kanyang 13.8 points at 2.8 shot-blocks averages.
Sa juniors division, lumapit sa kanilang ikalawang sunod na korona ang nagdedepensang Staglets nang igupo ang Baby Dolphins, 57-55. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended