^

PSN Palaro

Pacquiao, Finkel break na

-
Kinumpirma na kahapon ni boxing manager Rex "Wakee" Salud ang pagwawakas ng relasyon nina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at American promoter Shelley Finkel.

Ayon kay Salud, nakatakdang magtungo kagabi sa Wildcard Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach sa Hollywood, California kasama si Pacquiao, kikilos na ang pambato ng General Santos City bilang isang ‘independent’.

"Siguro tutulungan ko na lang si Manny sa mga papasukin niyang laban or kontrata," wika ni Salud.

Sa inaasahang pagiging isang ‘independent boxer’ ni Pacquiao, dadalhin nito ang sarili niyang promotional outfit na MP Promotions na siyang naghatid ng laban niya kay Oscar Larios noong Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.   

"Maliban sa pagtiklop ng kanilang samahan ni Finkel, wawakasan na rin ng tinaguriang "Pacman" ang kanilang kontrata sa Top Rank Promotions ni Bob Arum," dagdag ni Salud.

Pagdating ni Pacquiao sa Wildcard Gym ni Roach, inaasahang tututukan ng husto ng Filipino fighter ang kanyang preparasyon sa kanilang "Grand Finale" ni Mexican legend Erik Morales sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mach Center sa Las Vegas, Nevada.

"Siguradong pagdating ni Manny sa Wildcard Gym tuluy-tuloy na ‘yung paghahanda niya sa laban nila ni Morales. Alam n’yo naman si Manny kapag nag-training na ‘yan, wala nang iintindihin ‘yang iba," ani Salud.

Itataya ng 27-anyos na si Pacquiao ang kanyang WBC International super feather-weight crown laban kay Morales sa nasabing upakan. (Russell Cadayona)

ARANETA COLISEUM

BOB ARUM

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GRAND FINALE

LAS VEGAS

MACH CENTER

PACQUIAO

WILDCARD GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with