Pinoy karatekas may ikakasa pa sa Asiad
September 17, 2006 | 12:00am
Isa hanggang dala-wang gintong medalya ang ipinangako ng Philip-pine Karatedo Federation (PKF) na kanilang iuuwi mula sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
"Iyon naman talaga ang target namin sa Doha Asian Games, to win one or two gold medals," wika ni PKF president Eduardo Ponce sa misyon ng kan-yang mga karatekas sa nasabing quadrennial meet na nakatakda sa Disyembre 1-15.
Pamumunuan ni Gretchen Malalad, isang three-time Southeast Asian Games gold medal winner, ang national kara-tedo team sa kanyang pagsabak sa womens -60 kilogram division.
Maliban kay Malalad, ang iba pang karatekas na lalahok sa kumite event ay sina Manna Pabillore (-53 kg.), Mae Soriano (-48 kg.), Barnardino Tiu (-60 kg.), Bong Toribio (-55 kg.), Jonel Perana (-70 kg.), Nelson Pacalso (-65 kg.) at si Noel Espinosa sa kata event.
Sa 23rd SEA Games noong 2005, kumolekta ang mga karatekas ng kabuuang tatlong gold at walong bronze medals.
Ang naturang tatlong gintong medalya ay nang-galing kina Malalad, nag-reyna rin sa kanyang dibisyon noong 2001 at 2003 edisyon ng SEA Games, Pacalso at Pabillore.
"We will try our very best to better our last performance in the 2002 Asian Games sa Busan, South Korea," sabi ni Ponce sa naiuwing dala-wang tansong medalya ng national squad, isa rito ay mula kay Malalad.
Tatlong international tournaments ang nakatak-dang salihan ng mga karatekas sa Germany, Finland at Italy, dagdag ni Ponce. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended