^

PSN Palaro

Inilistang sports events para sa 24th Thailand SEAG inaasahang mababago pa

-
Katulad ng nakaugalian na, inaasahan ng Philippine Olympic Committee (POC) na mababago pa ang mga sports events na naunang inilista ng Southeast Asian Games Council (SEAGC) para sa 24th SEA Games sa Thailand sa 2007.

Sa pulong ng SEAGC sa Pattaya, Thailand noong nakaraang linggo, inaprubahan ng grupo ang kabuuang 44 sports events para sa 2007 SEA Games sa Disyembre. 

Ilang sports ang binawasan at dinagdagan ng events na inaasahang mababago pa sa susunod na pulong ng SEAGC sa Mayo ng 2007.  

"Traditonally, ‘yon naman talaga ang practice. They gives us kung ano ‘yung preference nilang sports events and then magkakaroon ng lobbying at ‘yung kung tawagin ay horse trading para masatisfy lahat ng member countries," ani POC Technical Committee chief Nestor Ilagan ng traditional boat race. 

 Inalis sa 2007 SEA Games ang mga sports events na ibinilang ng Pilipinas noong 2005 kung kalian tinanghal na overall champions ang bansa sa nahugot na 112 gintong medalya mula sa kabuuang 441. 

Ito, ayon kay Ilagan, ay ang arnis, bodybuilding, squash, chess, at soft tennis. 

"I hope they will set another meeting," wika ni Ilagan sa SEAGC. "Usually kasi tatanungin ‘yung ibang bansa at magkakaroon sila ng parang census kung ano ang sports na babawasan ng events at kung ano ‘yung dadagdagan." 

Sa 2005 Philippine SEA Games, sumegunda sa mga Filipino athletes ang mga Thais sa naiuwing 87 gintong medalya. (Russell Cadayona) 

DISYEMBRE

EVENTS

ILAGAN

ILANG

NESTOR ILAGAN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES COUNCIL

TECHNICAL COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with