^

PSN Palaro

PBA nagpapasalamat sa mga fans

-
Kakaibang kapaligiran ang matatagpuan sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Basketball Association 2006-07 season.

Higit na fan-friendly ang pagbaba ng presyo ng tiket ang ilan sa nakalinya para sa simula ng liga sa Oktubre 1. Ito ang isang paraan ng pagpapasalamat sa mga fans na naging responsable sa tagumpay ng PBA.

"For the coming season, we want to present a league that is a leader in the industry, a brand icon where it is beside the fans everywhere and anywhere," masayang wika ni PBA commissioner Noli Eala sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura, Manila, kahapon.

Nilasap ng liga ang isa sa pinakamaningning na season noong nakaraang taon dahil sa magandang resulta ng gate receipts. attendance at television ratings. At ito ay utang ni Eala sa mga fans kaya naman naghanap ang PBA na paraan kung paano pasasalamatan ang mga masusugid na fans.

"Lahat ngayon tumataas, pero sa amin ay bumababa," ani Eala sa lingguhang sesyon na hatid ng ACCEL. "We’re giving away as much as 20 percent discount on upper level tickets while the general admission still remains at P5 under our High Five promo."

Bukod pa rito, siyam na provincial games ang nakalinya kabilang na ang pagtungo sa Bicol region, La Union, Isabela at Dumaguete. Bukod din sa Araneta Coliseum, Ynares Center sa Antipolo at Astrodome, maglalaro din ang PBA sa bagong San Juan gym, Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium.

"This way, we’ll make the league even more accessible and more affordable for the fans," dagdag pa ng league commissioner.

Sinabi rin ni Eala na magkakaroon din ng laro sa Guam sa pagitan ng Red Bull at Alaska na orihinal na nakatakda sa Setyembre 22 ngunit inurong sa Setyembre 28.

ARANETA COLISEUM

BUKOD

EALA

HIGH FIVE

LA UNION

NINOY AQUINO STADIUM

NOLI EALA

PADRE FAURA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with