Sa UAAP Crossover Semis: Ateneo vs AdU; UST kontra UE
September 15, 2006 | 12:00am
Mataas ang morale ng University of Santo Tomas na papasok sa Final Four matapos ang 85-71 panalo laban sa Adamson University sa kanilang play-off para sa No. 3 slot patungo sa susunod na round ng UAAP mens basketball tournament kahapon na ginanap sa PhilSports Arena.
Nakuha ng UST Tigers ang karapatang kalabanin ang host University of the East sa crossover semi-finals na magsisimula bukas sa Araneta Coli-seum habang ang isa pang Final Four match ay sa pagitan ng No. 1 na Ateneo de Manila Univer-sity at ang No. 4 Adamson University.
Magandang pabaon ito para sa Santo Tomas dahil taglay ng UE Red Warriors gayundin ng ADMU Blue Eagles ang bentaheng twice-to-beat bilang biyaya ng top-two teams sa elimination round.
Nasiguro ng Tigers ang panalo sa pamama-gitan ng 18-6 run sa pakikipagtulungan ni Jervy Cruz kina three-point specialist Anthony Espiritu, ace gunner Jojo Duncil at point guard Japs Cuan para makakalas sa 49-49 deadlock at ibandera ang 67-55 advantage sa ika-apat na quarter.
Sa unang laro, tinalo ng Adamson Baby Fal-cons ang UP Integrated School, 84-78. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended