Pintuan ng Doha Asiad para sa basketball isinara na ng POC?
September 15, 2006 | 12:00am
Halos isinara na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. ang pagpapadala ng isang basketball team sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Ito ay matapos na ring ipanalisa ng Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC) ang mga tropang maglalaban-laban sa Group A at Group B sa basketball competition.
"Tapos na yung schedule and even kung mabigyan tayo ng clearance at hindi na tayo suspended I cannot see how we can be included in the Asian Games," sabi kahapon ni Cojuangco.
Hanggang ngayon ay binubuo pa rin ng Basketball Association of the Philippines (BAP), Pilipinas Basketball (PB) at ni PLDT boss Manny V. Pangilinan ang bagong basketball federation.
Binigyan ng FIBA Central Board ang BAP at PB ng hanggang Setyembre 30 para makapagbuo ng bagong cage body para alisin ang suspensyon sa bansa patungo sa paglalaro ng RP Team sa 2006 Doha Asiad.
Ayon kay Cojuangco, kung hindi rin lang magbabago ng isip ang Philippine Basketball Association (PBA) ay hindi na magpapadala ang POC ng koponan sa nasabing quadrennial meet.
"If we cannot send our best team, huwag na lang tayong sumali," wika ni Cojuangco. "Unless we can prepare a good team that is really competitive, bakit pa tayo sasali."
Noong 2002 Asian Games sa Busan, Korea, tumapos ang Nationals ni Jong Uichico bilang fourth placer matapos matalo sa Kazakhstan para sa bronze medal.
Ang South Korea ang naghari sa naturang edisyon makaraang biguin ang China, binanderahan ni 72 Yao Ming, para sa gintong medalya. (R Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am