Noong magsimula ito, marami ang nagsasabi na makakasama ito sa kalusugan, lalo na ng mga bata. Ito ay dahil karamihan sa mga ehersisyo ay "high-impact" o nangangailangan ng labis na tibay ng katawan. Subalit ngayon, nag-iba na ang pananaw sa plyometrics.
"When we first implemented plyometrics in the Philippines, the American model only had two levels, for elite athletes and recreational athletes," paliwanag ni Bong Arroyo, business director ng PlyoSports sa adidas SportsKamp sa Fort Bonifacio. "But here in the Philippines, there are many levels of athletes, especially those who are just taking it up now, later in their sports careers."
At pwede rin ito sa mga bata. Plyometrics ang sikreto ng magkapatid ng Junior World Champion na si Mia Legaspi at ng ate niyang si Maan, na matitinding contender sa mga local at international tournaments.
Nagsimula ang magkapatid sa panonood sa kanilang amang si Norman tuwing naglalaro ito.
"I asked my Dad if I could try it, and when I swun at the ball, I felt this was something I liked to do," salaysay ng 13 taong si Maan. Gumaya naman ang kanyang 7-taong gulang na kapatid.
"Before, I used to feel tired on the last day of a tournament," alala ni Mia. "But now, the last day feels like the start."
Dahil sa kanyang ibayong lakas, napanatili ni Mia ang kanyang four-stroke lead upang makuha ang Class E (7 to 8 years old) ng Callaway Junior World Golf Championships sa San Diego, California.
"Dati, napapagod ako, parang gusto ko lang tapusin" dagdag ni Maan, na miyembro naman ng American Junior Golf Association. "Ngayon, pagkatapos, I feel like I can still play another 18 holes."
"We have sport-specific drills that complement their skills training," dagdag ni Arroyo. "Aside from improving their stamina, we have equipment that increases their rotational strength." Itinukoy niya ang mga gamit nilang halintulad ng golf club, subalit parang malaking bentilador ang dulo. "That generates wind resistance, which builds up your strength in swinging"
Marami rin sa ating mga national athletes ang nagsasanay sa plyometrics, at sa loob ng ilang linggo ay nakakakita na ng malaking pagbabago sa kanilang laro. Ngayon, maipagmamalaki ng PlyoSports na nakatulong sila sa paglikha ng world champion.
At ang mga susunod pa. Abangan.