Reyes at iba pang Pinoy sasargo naman sa Indonesia
September 14, 2006 | 12:00am
Matapos ang panibagong pananalasa ng mga Pinoy sa nakaraang leg sa Kaohsiung mula sa panalo ng sweet-shooting na si Rodolfo Luat, muling pangungunahan ng bagong kampeon at half-million dollar richer IPT World Open 8-Ball champion na si Efren Bata Reyes ang kampanya ng Pilipinas sa 2006 San Miguel Asian 9-Ball Tour na nasa final stop na sa island capital ng Jakarta, Indonesia na-sweep ang Asian tour.
Gayunpaman, dahil sa solidong cast ng Asias pool elite na mga kalahok sa bawat leg, tila mahirap maisagawa ang kumpletong dominasyon ng isang bansa sa annual nation event na ito, pero hindi rin matatawaran ang kakayahan ng mga Filipinos dahil na rin sa uri ng kanilang ipinapakita sa mga nakaraang laban nila.
At sa hindi sinasadyang tagumpay na nalasap ng Pinoy na sinimulan kay Reyes, Ramil Gallego at Luat sa Vietnam, Bangkok at Taiwan, ayon sa pagkakasunod, malaki ang oprtunidad na muli nilang mabibigyan ng kasiyahan ang mga manonood para sa pagposte ng makasaysayang kauna-unahang sweep sa San Miguel Asian 9-Ball tour na ito.
Isa sa magiging tinik sa landas ng Pinoy wizards para sa inaasam na tagumpay ay ang pambato ng host country na sina Ricky Yang at Muhammad Sulfikri na inaasahang babandera sa local Indonesian, bukod pa rito ang isasabak ng Taiwan ang reigning World Pool Champion na si Wu Chia-ching na kabilang sa impresibong cast ng top Asian pool players mula sa 12 bansa na dala ang kani-kanilang mga estratehiya at taktika sa pool table para sa kanilang tangka na makamit ang panalo, bukod pa sa pagkubra sa final leg ng kinakailangang qualifying points patungo sa World Pool Championships ngayong Nobyembre.
Bukod sa matikas na duo nina Yang at Sulfikri, kakata-wanin din ang host country ni Apsi Chaniago at Roy Apanco.
Magsisimula ang kompetisyon sa Sept. 15.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am