Tinalo ng No. 1 Red Lions ang No. 4 Mapua Cardinals, 55-51, at inalisan naman ng korona ng No. 2 Dolphins ang No. 3 Letran Knights, 72-50, sa Final Four para ayusin ang kanilang championship showdown sa 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
"Despite the pressure at least we made it this time. Lots of people called-up and even send me text messages telling me to win this match," sabi ni coach Koy Banal sa San Beda na huling nakarating sa finals noong 1997. "I also want to give credit to Mapua. They put up a good fight and it really tested our true character."
Matapos kunin ng Cardinals ang 44-39 abante sa 8:14 ng fourth quarter, isang 11-0 atake naman ang ginawa ng Red Lions upang agawin ang 50-44 lamang, tampok rito ang tres ni Ogie Menor, sa huling 2:52 nito.
Isang tres ni Kelvin Dela Peña at dalawang basket nina Jerby Del Rosario at Joeferson Gonzales ang nagdikit sa Mapua sa 51-52 sa nalalabing 47.1 segundo kasunod ang split ni Alex Angeles para sa 53-51 bentahe ng San Beda, 12.3 tikada rito.
Inilista naman ng Dolphins ang 38-25 lamang sa first half patungo sa kanilang 63-48 bentahe sa huling 2:53 ng fourth period.
"Masarap at masaya kami sa pagkakapasok namin ulit sa finals for the third straight time," ani mentor Joel Dualan, nakahugot ng 16 puntos at 14 boards kay Gabby Espinas, 15 marka kay Robby David at tig-10 nina Jason Castro at Ian Garrido.
Sa juniors division, inangkin naman ng nagdedepensang San Se-bastian Staglets ang unang finals berth nang igupo ang San Beda Red Cubs, 61-52.