^

PSN Palaro

UE kampeon sa juniors chess; UST naman sa women’s

-
Binanderahan ni Nelson Mariano III ang University of the East tungo sa pagkopo ng ikalimang sunod na titulo sa UAAP juniors chess habang halos nakakasiguro na rin ang University of Santo Tomas sa korona ng kababaihan sa tulong ni Sherily Cua sa Season 69 ng chess tournament.

Hindi naglaro sa Board One si Mariano sa ika-10th at final round noong Linggo sa UE Briefing Room sa kanyang paghakot ng Most Valuable Player trophy kung saan humakot ang UE ng 33.5 puntos.

"I wanted to end my campaign in the juniors competition not only individually on a high note, but also to give UE another championship," ani Mariano, na walang talo sa buong season. Isinara niya ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng 20-moves ng Ruy Lopez opening kontra kay Brando Maligaya ng National University.

Pinabagsak ni Mariano at ng UE ang National U, 3-1 noong Sabado at isara ang kampanya sa pamamagitan ng 2-2 draw sa UST noong Linggo.

Kinapos naman ang Adamson University bagamat natuhog nila ang 3.5-.5 panalo laban sa Ateneo sa 9th round at 4-0 shutout sa NU sa 10th round. Tumapos na ikalawa ang Falcons na may 31.0 puntos habang ikatlo naman ang Tigers.

Sa kabilang dako,  hindi gaanong nakaapekto ang 30 move na kabiguan ni Cua, transferee mula sa UP, kay Rulp Ylen ng FEU dahil hindi na rin napigil ang UST sa pagsungkit ng kanilang korona sa women’s chess.

May 31.0 puntos na output, hindi na mahabol ang Tigresses ng pumapangalawang FEU na may 21.5 puntos.

Sa men’s division, nagtala ang FEU ng 29.0 puntos makaraan ang 12 rounds at kadikit lamang ang Adamson at UP na may 4.0 puntos na layo sa kanilang tig-25.0 puntos may dalawang rounds pa ang natitira. Nasa ikatlo ang UE na may 24.5 kasunod ang UST na may 21.5, NU 12.0 at Ateneo 7.0.

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO

BOARD ONE

BRANDO MALIGAYA

BRIEFING ROOM

LINGGO

MARIANO

MOST VALUABLE PLAYER

NATIONAL U

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with