Lumikom ang UST cheerdancers ng average na 94.96% mula sa limang hurado upang matagumpay na maidepensa ang kanilang titulo at maisubi ang P150,000 na premyo.
Tampok sa routine ng UST ay ang spider formation at superman lift.
Nakopo naman ng Far Eastern University Cheering squad ang runner-up finish at ang P90,000 na premyo matapos magtala ng average na 93.2% habang nagtapos naman ang University of the Philippines Pep Squad bilang third place sa kanilang average na 91.7% para sa P60,000 na premyo.
Magpapatuloy ang aksiyon sa mens basketball tournament sa sagupaan ng University of Santo Tomas at ng Adamson University para sa playoff ng No. 3 slot kung saan makakaharap ng winning team ang No. 2 na University of the East habang ang talunan ay sasabak kontra sa Ateneo. Ang Red Warriors at Eagles ay parehong may twice-to-beat advantage. (Mae Balbuena)