4 pang Pinoy ang naiwan
September 9, 2006 | 12:00am
Ipinalasap ni Francisco "Django" Bustamante kay Oliver Ortmann ng Germany ang kanyang kauna-unahang kabiguan sa pamamagitan ng kapana-panabik na 8-7 panalo at manatiling malinis matapos ang apat na rounds ng IPT World Open 8-ball Championship sa Grand Sierra Resort and Casino sa Reno, Nevada noong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Kinakitaan ng impresibong laro sa pagitan ng dalawang manlalaro, kung saan ang laban ay napagwagian ni Bustamante at magpalawig sa pananalasa ng Pinoy sa 18 laban kabilang na ang panalo kina American Danny Harriman, 8-6, Tony Drago, 8-1, Marko Lohtander, 8-1, at kababayang si Antonio Lining, 8-3.
Hinatak naman nito ang tatlo pang Pinoy na sina dating world 9-ball champions Efren "Bata" Reyes at Alex Pagulayan at Dennis Orcollo, patungo sa last 18 ng $3 million events habang napatalsik naman sina Ronnie Alcano, Jose Parica at Antonio Lining.
"I made a ball on the break one time but I think I just got lucky he didnt run out every time," ani Bustamante, na unti-unting nagbabadya bilang man to beat sa tumataginting na $500,000 papremyo. "But tomorrow (today) is a different day. Youll never know but I will try hard."
Kailangang mga tigasin ang magtatangkang pumigil kay Bustamante para mapatalsik ito dahil muling paboritong magwawagi ang Pinoy sa Group 79 na kinabibilangan nina Karl Boyes, Hsia Huikai, Corey Deuel at Rodney Morris ng US at David Alcaide ng Spain sa pag-init ng aksiyon sa ikalimang round sa Biyernes (Sabado sa Manila).
Ang makakaligtas ay hahatiin sa tatlong grupo na may tig-anim na players na ang top two lamang ang aabante sa round robin phase. Ang talunan ay magbubulsa ng $36,000.
Ang top two finishers naman ang maglalaban sa tumataginting na premyo sa 8-ball event.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended