Naglista ng tatlong panalo at isang talo si Efren Bata Reyes at makausad din sa susunod na yugto ng $3 million event gayundin sina dating world 9-ball champion Alex Pagulayan, Dennis Orcollo, Antonio Lining, US-based pool legend Jose Parica at Ronnie Alcano, ang tanging Pinoy na may tatlong panalo at manguna sa Group 65.
Gayunpaman, hindi naman naging masuwerte sina Rodolfo Luat at Ramil Gallego nang matalo ito sa kanilang tatlong laban at isang panalo lamang ang maitala sa Group 68 at 69, ayon sa pagkakasunod.
Mag-uuwi sina Luat at Gallego ng halagang $15,000 (P750,000) at iwan ang Philippines na may pitong panlaban sa ikaapat na round.
Ang mga nakalusot ay hahatiin sa anim na grupo na may tig-anim na players at ang top three din ang aabante sa susunod na antas. Ang hindi makakapasok ay magbubulsa naman ng $25,000.
Habang ang Philippines ay may pitong manlalarong nakapasok sa last 36, ang Amerika naman ay may siyam na pinamumunuan nina Corey Deuel, Nick Varner at Jason Kirkwood, at itakda ang posibleng RP-US clash kasunod ng World Cup duel na napagwagian ng mga Filipinos, 13-5, sa tambalan nina Bustamante at Reyes.