Cardona at Catli ipinatawag ni Eala
September 6, 2006 | 12:00am
Ipinatawag sa PBA Commissioners Office sina Mark Cardona ng Talk N Text at Cesar Catli ng Sta. Lucia upang magpaliwanag ukol sa insidenteng kinasangkutan noong Lunes.
Ang dalawang players ang may malaking partisipasyon sa rambulang naganap sa exhibition game ng Phone Pals at Realtors sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) at nakatakda silang magbigay ng kani-kanilang panig kay PBA Commissioner Noli Eala ngayong tanghali.
Ipinatawag din ang beteranong si Kenneth Duremdes ngunit hindi ito sangkot sa gulo kundi dahil sa tinanggap nitong technical at flagrant foul sa naturang laro na pinagwagian ng Phone Pals, 93-84.
May 2:29 minuto na lamang ang nalalabing oras sa laro nang magkagulo sa court matapos matapik ni Catli si Cardona sa leeg kayat gumanti ang huli.
Inawat ni referee Patrick Canizales ang dalawa at pareho niya itong pinatalsik sa court.(MB)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended