^

PSN Palaro

May nais patunayan si Pacquiao sa kanyang 3rd rematch

-
Ang mapatunayan na kaya ni Manny Pacquiao si Erik Morales ang nagbigay ng kumpiyansa kay American trainer Freddie Roach sa naunang prediksyon na mangingibabaw ang Filpino boxer sa ikatlo at huling laban nila ng Mexican boxer sa Nobyembre 18.

"He’s highly motivated for this fight and this is a huge fight him and Morales. It’s something he’s looking forward to and I am also," pahayag ni Roach sa isang panayam ng isang boxing website.

"Well you know the thing is he wants to prove to the world it was no fluke when he beat Morales and that he‚ll do it again," dagdag pa ni Roach.

Bukod dito, ang panalong makukuha ng tubong General Santos City na si Pacman ay magbubukas ng maraming oportunidad sa mas malalaking laban sa 2007 gaya nga ng posibleng paglaban sa lehitimong titulo sa WBC super featherweight na ngayon ay tangan ni Marco Antonio Barrera.

Sa Setyembre 12 inaasahang lilipad na si Pacquiao sa US upang magsanay sa Wild Card Gym sa loob ng walong linggo. Pero kahit na nasa bansa pa ang pambatong boksingero ng bansa, at abala ng gawain hindi sakop ng boxing, tulad ng pagkanta, patuloy naman ang pagtakbo nito at pagtungo sa gym para sa mga magaan na pagsasanay.

BUKOD

ERIK MORALES

FILPINO

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

MARCO ANTONIO BARRERA

NOBYEMBRE

SA SETYEMBRE

WILD CARD GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with