MVP, tagapagligtas ng basketball
September 5, 2006 | 12:00am
Maugong na maugong ang pangalan ni Manny V. Pangilinan na napipisil para mamuno sa bagong binubuong basketball association. Si MVP ang head ng 3-man panel na binuo para mag-draft ng bagong constitution and by-laws ng binubuong asosasyon na inaasahang magiging susi sa pagkakaalis ng suspensiyon ng FIBA sa bansa.
At positibo ang pagtanggap ng marami kay MVP.
Sana nga, ito na ang maging daan para mabuo ang wasak na wasak na Philippine basketball.
Ayaw ko munang magbigay ng komento tungkol dito, pero isang karapat-dapat na tao si MVP para sa tungkuling mamuno ng basketball sa ating bansa.
Bukod sa may basketball team ito sa PBA, mahal din ni MVP at tinutulungan ang ibang sports tulad ng badminton. Kilala din siyang powerhouse ng dalawang collegiate team-- ang Ateneo sa UAAP at San Beda sa NCAA.
At sana nga wala nang kokontra para matapos na ang lahat ng gulo.
Manahimik na ang mga nanggugulo at sana makiisa sa magiging mithiin ng itatag na bagong asosasyon.
Sana rin makabangon na ang ating bansa at makabalik na sa sumpremidad sa Asya sa larangan ng sports.
Kahit na sabihin pang ilang sakong bigas pa ang kakainin natin para maisakatuparan ang pangarap na ito, alam kong magagawa natin kung tulung-tulong ang lahat.
Ilang buwan na lamang at Asian Games na. Kakayanin ba natin na makapagpadala ng basketball team sa Doha, Qatar?
Tulad nang nauna kong sinabi walang imposible kung sama-sama ang lahat.
Dapat ngayon pa lamang ay may naiisip ng paraan ang mga taong involved sa basketball na makabuo ng national team na pwedeng isabak sa Asian Games sa Disyembre.
Dapat may maipadala ng lineup ang basketball team sa Doha.
Siguro naman hindi tatagal ng isang buwan ang pagda-draft ng bagong constitution and by-laws ang 3-man panel.
Mula sa BAP ni Joey Lina at Pilipinas Basketball ni Bernie Atienza na may sariling constitution and by-laws, maaari nilang gawing gabay ang mga ito dahil kapwa kabilang ang dalawang ito sa 3-man panel na binuo.
Wish ko lang matigil na talaga ang gulong ito sa Philippine basketball dahil kitang-kita ang ebidensiyang wala itong nagawang mabuti para sa sports na mahal ng mga Filipino.
Belated happy birthday kay Barry Pascua kahapon. Happy birthday din kina Linda Vergara (Sept. 5), kay Florence (Sept. 9) , sa aking ama na si Ric dela Cruz (Sept. 10) at sa aking Pareng Guding Salazar (Sept. 11) ng Pila, Laguna. Belated happy birthday din sa aking Tita Girlie noong Sept. 3.
At positibo ang pagtanggap ng marami kay MVP.
Sana nga, ito na ang maging daan para mabuo ang wasak na wasak na Philippine basketball.
Ayaw ko munang magbigay ng komento tungkol dito, pero isang karapat-dapat na tao si MVP para sa tungkuling mamuno ng basketball sa ating bansa.
Bukod sa may basketball team ito sa PBA, mahal din ni MVP at tinutulungan ang ibang sports tulad ng badminton. Kilala din siyang powerhouse ng dalawang collegiate team-- ang Ateneo sa UAAP at San Beda sa NCAA.
At sana nga wala nang kokontra para matapos na ang lahat ng gulo.
Manahimik na ang mga nanggugulo at sana makiisa sa magiging mithiin ng itatag na bagong asosasyon.
Sana rin makabangon na ang ating bansa at makabalik na sa sumpremidad sa Asya sa larangan ng sports.
Kahit na sabihin pang ilang sakong bigas pa ang kakainin natin para maisakatuparan ang pangarap na ito, alam kong magagawa natin kung tulung-tulong ang lahat.
Tulad nang nauna kong sinabi walang imposible kung sama-sama ang lahat.
Dapat ngayon pa lamang ay may naiisip ng paraan ang mga taong involved sa basketball na makabuo ng national team na pwedeng isabak sa Asian Games sa Disyembre.
Dapat may maipadala ng lineup ang basketball team sa Doha.
Siguro naman hindi tatagal ng isang buwan ang pagda-draft ng bagong constitution and by-laws ang 3-man panel.
Mula sa BAP ni Joey Lina at Pilipinas Basketball ni Bernie Atienza na may sariling constitution and by-laws, maaari nilang gawing gabay ang mga ito dahil kapwa kabilang ang dalawang ito sa 3-man panel na binuo.
Wish ko lang matigil na talaga ang gulong ito sa Philippine basketball dahil kitang-kita ang ebidensiyang wala itong nagawang mabuti para sa sports na mahal ng mga Filipino.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am