Magsisimula ang pagpupulong ngayong alas-8 ng umaga sa Tower Club sa Makati at una sapul nang itatag ang three-man panel na naatasang gumabay sa malinis na proseso para sa Philippine basketball na nabuo kamakailan.
Si Lina, pangulo ng Basketball Association of the Philippines at si Atienza, pinuno naman ng Pilipinas Basketball ay makakasama sa panel ni Pangilinan, ang sports-minded chairman ng PLDT at Smart na pinani-niwalaan ng marami na magiging susi sa pagkakaisa.
Hindi tatagal ng buong araw ang naturang meeting at tiyak na maraming positibong mangyayari.
May halos tatlong linggo ang panel na magbuo at ipinalisa ang itatag na bagong asosasyon na malamang tawaging United Philippine Basketball.
Ang pagpasok ni MVP sa senaryo ay pinuri bilang malaking hakbang patungo sa pagkakaroon ng matagumpay at tahimik na asosasyon sa local basketball.
Ang BAP at PB ay kapwa may sariling constitution-and-by-laws at maaring trabahuhin ito at magamit din sa pagbubuo ng bago.
Ang drafting ng bagong constitution and by-laws ay babase sa demokratiko, country-wide at mass-based presentation ng ibat ibang sektor ng basketball--sectoral, commercial, school-based at professional.