^

PSN Palaro

10 Pinoy cue artist sasalang

-
Sampung Filipino cue artist ang magbabaka-sakaling pangunahan ang gagawing IPT World 8-Ball Championship na itinakda mula Setyembre 2 hanggang 10 sa Grand Sierra Resort and Casino sa Reno Nevada.

Mangunguna sa hanay ng manlalaro ng bansa ay si Marlon Manalo na magtatangkang higitan ang pangalawang puwestong pagtatapos sa isang IPT tournament na nilaro nitong nakaraang buwan.

Matatandaan na natalo si Manalo kay Thorsten Hohmann sa finals sa naunang IPT tour upang makontento sa $99,000 premyo.

Maituturing na makasaysayan ang kompetisyong ito na nilahukan ng 200 mahuhusay na cue artist sa mundo dahil pinakamalaking premyo ang nakataya sa labanan.

Record prize money na $3,000,000 ang kabuuang premyong inilagay at ang tatanghaling kampeon ay mag-uuwi ng $500,000 na pinakamalaki sa kasay-sayan ng event na ito.

Ang iba pang Pinoy na kasali ay sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco Bustamante, Alex Pagulayan, Dennis Orcollo, Ronato Alcano, Antonio Lining, Jose Parica, Santos Sambajon at Ramil Gallego.

Sina Orcollo at Reyes na ikatlo at pang-apat, ayon sa pagkakasunod sa naunang edisyon ay tiyak na palaban upang mahigitan ang pagtatapos.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO LINING

BALL CHAMPIONSHIP

DENNIS ORCOLLO

FRANCISCO BUSTAMANTE

GRAND SIERRA RESORT AND CASINO

JOSE PARICA

MARLON MANALO

RAMIL GALLEGO

RENO NEVADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with