^

PSN Palaro

Bulldogs talsik na rin

-
Matapos ang University of the Philippines, ang National University naman ang napatalsik sa kontensyon. 

Ito ay matapos bumangon ang Ateneo Blue Eagles mula sa isang overtime loss noong nakaraang Linggo upang igupo ang Bulldogs,103-76, at patuloy na trangkuhan ang second round ng 69th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City. 

Humakot si JC Intal ng 24 puntos, 6 rebounds, 7 assists at 2 steals para igiya ang Ateneo sa 9-1 rekord kasunod ang UE (7-3), Adamson (5-5), five-time champions UST (5-6), nagdedepensang FEU (5-6), NU (3-8) at UP (3-8).

 "We just want to bounce back into the groove after that overtime loss to UST last Sunday," sabi ng 6-foot-4 na si Intal sa 80-88 overtime loss ng Blue Eagles, may ‘twice-to-beat’ incentive na sa Final Four katulad ng Red Warriors, sa Growling Tigers noong nakaraang Linggo.

 Mula sa 27-24 abante sa first period, pinalobo ng 2002 UAAP champions sa 15-puntos ang kanilang kalamangan, 61-46, sa third quarter kontra sa Bulldogs sa likod ng pinakawalang 15-7 atake.

 Ipinoste ng Ateneo ang pinakamalaki nilang bentahe sa 27 puntos, 91-64, mula sa salaksak ni Eric Salamat sa huling 3:30 ng final canto. 

Samantala, pipilitin naman ng Adamson na makalapit sa isa sa dala-wang natitirang silya sa Final Four sa pagsagupa sa UST ngayong alas-2 ng hapon bago ang upakan ng UE at UP sa alas-4 sa Pasig City venue. 

"Of course, malaking panalo ito para sa amin going up against UST," wika ni mentor Leo Austria sa 89-84 overtime win ng kanyang Falcons sa Red Warriors noong Huwebes kung saan nabalian ng kaliwang siko si Nonoy Canuday. "Basta every game idededicate namin kay Nonoy." 

Ang panalo ng Adamson sa UST ang magpapalabo sa tsansa ng Growling Tigers na makapasok sa Final Four.

Sa high school division, humakot naman si Carlo Balmaceda ng 14 puntos, 6 rebounds, 3 steals at 2 assists upang tulungan ang nagdedepensang Blue Eaglets sa 75-64 paggiba sa UPIS Baby Maroons.

Sa iba pang laro, tinalo ng FEU Baby Tamaraws (9-2) ang Adamson Baby Falcons (6-5) mula sa 78-74 tagumpay, samantalang binigo naman ng NU Bullpups (1-11) ang UST Tiger Cubs (4-7) buhat sa isang 83-81 panalo. (Russell Cadayona) 

ADAMSON

ADAMSON BABY FALCONS

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BABY MAROONS

FINAL FOUR

GROWLING TIGERS

PASIG CITY

RED WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with