Kinuha nila sa second round ang isa pang Atenistang si Magnum Membrere.
Kung makakapirma ng kontrata si Membrere sa kampo ng Barakos ay makasama niya ang mga dating kakampi sa Ateneo na sina Enrico Villanueva, Rich Alvarez, Larry Fonacier at Paolo Bugia.
Parang kumpleto ang first five ng Ateneo ah! Pero hindi din, e. Kasi ngay wala namang natural point guard sa ganung kombinasyon bagamat sa nakaraang season ay medyo hinasa ni coach Joseller "Yeng" Guiao si Fonacier bilang emergency point guard.
Marami ang nagsasabing maganda sana kung nakuha ng Red Bull si Tenorio dahil iyon ang talagang kukumpleto sa kanilang starting unit na panay Blue Eagles.
Kasoy wala namang first round pick ang Red Bull dahil naipamigay na nila ito. Katunayan ay No. 19th pick nga si Membrere at wala na ring nakapansin dito. Isa pa, tila mahihirapan din si Membrere na makapirma ng kontrata dahil kumpleto pa rin ang Red Bull at wala namang ipinamigay na players.
Alangan naman kasing magbago pa ng line-up ang Red Bull gayong dalawang beses na nakarating sa Finals ang Barakos noong nakaraang season at nagwagi pa nga sila ng isang kampeonato. So, walang dahilan para baguhin nila ang chemistry ng team. Hanggat effective ito, natural na ito pa rin ang kanilang gagamitin.
Hindi nga bat may kasabihang "if it aint broke, why fix it?"
So, siguro hindi na rin nanghihinayang ang Red Bull sa pangyayaring hindi nito nakuha si Tenorio. Kasi nga, mati-bay naman ang kanilang backcourt kung saan nagpapalitan sina Topex Robinson at Celino Cruz. Katunayan ay nasa reserved list pa nila si Warren Ybañez.
Si Tenorio naman ay swak na swak sa San Miguel Beer dahil doon ay magiging understudy siya ng isa pang dating Ateneo Blue Eagles point guard na si Rodericko Racela. Atenista ang papalit sa kapwa Atenista.
Para bang yung nangyari sa Coca-Cola Tigers! Hindi bat noong isang taon ay kinuha ng Tigers si Dennis Miranda upang maging understudy naman ni Johnny Abarrientos? Sina Miranda at Abarrientos ay kapwa dating point guards ng Far Eastern University. So, Tamaraw ang papalit sa Tamaraw.
At siyempre, parang kumpleto na rin ang mga Atenista sa San Miguel dahil sa ang bagong coach nilang si Vincent "Chot" Reyes ay dating point guard din ng Blue Eagles. Katunayan ay naging coach din ng Ateneo si Reyes. Hina-linhan niya si Joseph Uichico na ngayon ay head coach naman ng Barangay Ginebra. Bukod dito ay nasa San Miguel din ang dating kakampi ni Tenorio na si Wesley Gonzales.
So, kahit paanoy at home na rin si Tenorio sa San Miguel at hindi niya mami-miss ang kanyang mga dating Ateneo buddies na ngayon ay solid sa Red Bull.