^

PSN Palaro

At home na rin si Tenorio  

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Hindi man nakuha ng Red Bull si LA Tenorio sa naka-raang 2006 PBA Draft na ginanap sa Market Market dala-wang Linggo na ang nakalilipas ay ginawa naman ng Barakos ang "next best thing."           

Kinuha nila sa second round ang isa pa’ng Atenistang si Magnum Membrere.           

Kung makakapirma ng kontrata si Membrere sa kampo ng Barakos ay makasama niya ang mga dating kakampi sa Ateneo na sina Enrico Villanueva, Rich Alvarez, Larry Fonacier at Paolo Bugia.           

Parang kumpleto ang first five ng Ateneo ah! Pero hindi din, e. Kasi nga’y wala namang natural point guard sa ganung kombinasyon bagamat sa nakaraang season ay medyo hinasa ni coach Joseller "Yeng" Guiao si Fonacier bilang emergency point guard.           

Marami ang nagsasabing maganda sana kung nakuha ng Red Bull si Tenorio dahil iyon ang talagang kukumpleto sa kanilang starting unit na panay Blue Eagles.           

Kaso’y wala namang first round pick ang Red Bull dahil naipamigay na nila ito. Katunayan ay No. 19th pick nga si Membrere at wala na ring nakapansin dito. Isa pa, tila mahihirapan din si Membrere na makapirma ng kontrata dahil kumpleto pa rin ang Red Bull at wala namang ipinamigay na players.           

Alangan naman kasing magbago pa ng line-up ang Red Bull gayong dalawang beses na nakarating sa Finals ang Barakos noong nakaraang season at nagwagi pa nga sila ng isang kampeonato. So, walang dahilan para baguhin nila ang chemistry ng team. Hangga’t effective ito, natural na ito pa rin ang kanilang gagamitin.           

Hindi nga ba’t may kasabihang "if it ain’t broke, why fix it?"           

So, siguro hindi na rin nanghihinayang ang Red Bull sa pangyayaring hindi nito nakuha si  Tenorio. Kasi nga, mati-bay naman ang kanilang backcourt kung saan nagpapalitan sina Topex Robinson at Celino Cruz. Katunayan ay nasa reserved list pa nila si Warren Ybañez.           

Si Tenorio naman ay swak na swak sa San Miguel Beer dahil doon ay magiging understudy siya ng isa pang dating Ateneo Blue Eagles point guard na si Rodericko Racela. Atenista ang papalit sa kapwa Atenista.           

Para bang yung nangyari sa Coca-Cola Tigers! Hindi ba’t noong isang taon ay kinuha ng Tigers si Dennis Miranda upang maging understudy naman ni Johnny Abarrientos? Sina Miranda at Abarrientos ay kapwa dating point guards ng Far Eastern University. So, Tamaraw ang papalit sa Tamaraw.           

At siyempre, parang kumpleto na rin ang mga Atenista sa San Miguel dahil sa ang bagong coach nilang si Vincent "Chot" Reyes ay dating point guard din ng Blue Eagles. Katunayan ay naging coach din ng Ateneo si Reyes. Hina-linhan niya si Joseph Uichico na ngayon ay head coach naman ng Barangay Ginebra. Bukod dito ay nasa San Miguel din ang dating kakampi ni Tenorio na si Wesley Gonzales.           

So, kahit paano’y at home na rin si Tenorio sa San Miguel at hindi niya mami-miss ang kanyang mga dating Ateneo buddies na ngayon ay solid sa Red Bull. 

ATENEO

ATENISTA

BARAKOS

BLUE EAGLES

KATUNAYAN

MEMBRERE

RED BULL

SAN MIGUEL

TENORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with