Tinalo ng Altas ang five-time champions San Sebastian Stags, 85-69, samantalang iginupo naman ng Blazers ang Jose Rizal U Heavy Bombers, 69-68, para isara ang elimination round ng 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Tinapos ng UPHD ang kanilang kampanya sa 5-9 rekord kasunod ang San Sebastian (4-10), Jose Rizal (4-10) at St. Benilde (3-11). Ipinoste ng Altas ang 74-59 abante sa 4:57 ng fourth quarter mula sa isang fadeaway ni Khiel Misa hanggang makalapit ang Stags sa 67-76 buhat sa isang 8-2 atake nina Jim Viray, Gilbert Bulawan at John Raymundo sa huling 2:54 nito.
Isang freethrow naman ni Mark Cagoco ang nagbigay sa Heavy Bombers ng 66-62 abante sa 1:35 ng final canto bago ang split ni Antonio Cadiz at dalawang dikit na basket nina Will Johnston at David Urra III para sa 67-66 lamang, 42.7 segundo rito.
Dalawang mintis na charities ni Urra para sa St. Benilde ang nagresulta sa charities ni Cagoco para sa 68-67 pag-ungos ng Jose Rizal sa huling 17.9 segundo.
Samantala, isang stern warning naman ang ibinigay ng NCAA Management Committee (ManCom) kay Kelvin Dela Peña ng Mapua at isang one-game suspension ang ipinatikim sa kasama nitong si Joeferson Gonzales mula sa rekomendasyon ni NCAA Commissioner Jun Bernardino base sa kani-kanilang flagrant foul sa laban ng Cardinals at San Beda Red Lions noong Miyerkules. (Russell Cadayona)