Pacman, 6 rounds lang kay Morales

Nakakita ng kalaban si American trainer Freddie Roach patungkol sa inihayag niyang babagsak si Erik Morales sa loob ng pitong round sa ikatlong pagkikita nila ni Manny Pacquiao sa Nobyembre 18.

Ang manunulat ng Ringtalk na si Pedro Fernandez ay nakikiisa sa mga binitiwang dahilan ni Roach pero sa kanyang palagay ay sa loob lamang ng anim na round ay tapos na ang laban pabor kay Morales.

Pinuntusan ni Fernandez, na isa ring award winning writer at TV host, na magiging palaban si Morales dahil mahalaga ang laban sa kanya.

Pero ang pagpapahirap na ginagawa sa sarili sa pagsasanay upang maabot ang takdang 130 lbs timbang ay makakaapekto nang husto lalo pa’t hindi na bata ang dating Mexican world champion bukod pa sa bugbog na sa laban.

"There has never been a shortage of "want" in Erik Morales. But at 29 years of age, with 52 fights under his belt, and having fought 342 professional rounds to date, Erik Morales is indeed a "shot fighter," pahayag ni Fernandez sa kanyang panulat.

May isang buwan nang nagsasanay si Morales katuwang ang ilang eksperto sa pagpapakondisyon sa Velocity Gym upang matiyak nasa tamang kondisyon ito sa takdang laban sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Ang ginagawang ito ni Morales ayon pa kay Fernandez ay siya ring ginawa noon ni Roberto Duran sa kanyang mga huling laban na ang iba ay nauwi sa kabiguan.

"His going to camp early is not only to pare down, but it’s really an attempt to get his confidence back. But a prolonged training camp could takeout any fight Morales might have left in him, seeing he has endured 342 professional rounds since turning professional "13 years ago," pagsusuri pa ni Fernandez.

Matatandaan na sinabi ni Roach na bagamat nirerespeto niya si Morales na tiyak na gutom sa panalo sa pag-akyat sa ring laban kay Pacquiao, duda siya kung mayroon pa itong ilalabas dahil sagad na sa hirap sa pagsasanay.

Show comments