Bedans at Cardinals muling magkikita
August 31, 2006 | 12:00am
Matapos ang eliminasyon, muling magkikita ang San Beda College at Mapua Tech sa Final Four.
Dumiretso sa kanilang ika-11 sunod na pagragasa ang Red Lions matapos sagpangin ang Cardinals, 73-56, para sementuhan ang kanilang pagiging No. 1 team sa second round ng 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Sadium.
Sa Final Four, tatayong No. 1 ang San Beda (12-1) bitbit ang twice-to-beat incentive laban sa No. 4 Mapua (7-6), habang pag-aagawan naman ng nagdedepensang Letran (10-3) at 2004 champions Philippine Christian University (9-4) ang No. 2 seat.
Matapos kunin ang first period, 19-14, itinala ng Red Lions, huling nagkampeon noong 1978 sa pamumuno nina Chito Loyzaga at JB Yango, ang isang 22-point lead kontra Cardinals bago nakadikit ang huli sa pagpinid ng third quarter, 42-55.
Sa inisyal na laro, tinalo naman ng Jose Rizal U ang five-time champions San Sebastian 89-76, para sa magkatulad nilang 4-9 kartada.
Sa high school division, nanaig ang Staglets (8-3) sa 79-77 sa Light Bombers (6-5).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended