Magkasundo kayo FIBA
August 29, 2006 | 12:00am
Kailangang magkasundo ang Philippine Olympic Committee at ang Basketball Association of the Philippines.
Ito ang nais mangyari ng International basketball federation o FIBA na nakatakdang desisyunan ngayon sa pagtatapos ng world congress sa Tokyo, ang pagbawi o hindi ng suspension na ipinataw sa bansa na siyang dahilan para hindi makapagpadala ng basketball team ang Pinas sa mga international competitions.
"Its still a stalemate. FIBA wants us to solve the problem among ourselves. They wont take a stand. We have the whole day to sort this out with the BAP," ani Philippine Olympic Committee (POC) first vice president at Rep. Monico Puentevella. "We go back to the drawing board (for another meeting) the whole day. Miracles do happen."
Bago magdesisyon ang FIBA ngayon, kailangang may mapagkasunduan na ang POC at ang BAP na kinatawan dito ng presidente nitong si Joey Lina, secretary-general Graham Lim, chairman Michel Lhuillier at coach Yayoy Alcoseba.
Hinarap kahapon ni FIBA secretary-general Patrick Baumann ang mga kinatawan ng BAP at ng POC na pinangungunahan ni Puentevella kasama sina POC legal counsel Emigdio Tanjuatco, Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Noli Eala, Pilipinas Basketball president Bernie Atienza ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at lawyer Ramon Malinao.
Noong Linggo, nakipagkita ang Philippine delegations kay Baumann, outgoing FIBA president Carl Ching Meng Ky ng Hong Kong at dating FIBA secretary-general Borislav Stankovic para sa tatlong oras na meeting ngunit walang nangyari para maayos ang problema.
Inalok ni Baumann ang mga abogado ng FIBA para maging moderator ngunit mas pinili ng dalawang grupo na pag-usapan na lamang ang problema. (MBalbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am
January 20, 2025 - 12:00am
January 18, 2025 - 12:00am