^

PSN Palaro

Matagal magpapahinga si Bautista

-
Apat hanggang anim na linggong pagpapahinga sa kanyang balikat. 

Ito ang ipinayo ng American doctor kay Filipino boxing sensation Rey "Boom Boom" Bautista kaugnay sa kanyang natamong injury na siyang naging dahilan ng pagkakansela ng kanyang laban kay Brazilian Giovanni Andrade sa Setyembre 16. 

Ang naturang Bautista-Andrade super bantamweight fight ay isa sa mga undercards ng rematch nina WBC super featherweight champion  Marco Antonio Barrera ng Mexico at Rocky Juarez ng United States. 

"Ang sabi ng doktor sa akin sa US mga four to six weeks ang panahon ng pagpapahinga ko sa balikat ko para mag-heal nang husto," sabi kahapon ng 20-anyos na pambato ng Bohol. 

Ayon kay Bautista, nakuha niya ang kanyang shoulder injury sa isang sparring session sa Cebu City bago magtungo sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Hollywood, California. 

Ito ang ikalawang pagkakataon na ipinagpaliban ang laban ni Bautista matapos ang itinakda sana niyang pakikipagtagpo kay Mexican Alejandro Fernando Montiel sa laban nina Manny Pacquiao at Oscar Larios noong Hulyo 2.
Resulta ng rematch ni Morales kay Pacquiao ang magdedesisyon
Upang maputol ang usapin tungkol sa kanyang pagreretiro, sinabi ni Erik Morales na ang kanyang nalalapit na laban kay Manny Pacquiao ang makakatulong sa kanyang desisyon kung magreretiro na siya o hindi.

"I feel it’s a very important fight for my career because it’s one that I can’t afford to lose," ani Morales sa exclusive interview na lumabas sa BoxingScene.Com.

"I have to win," pangako ng Mexican superfeatherweight na tumalo kay Pacquiao sa 12 rounds noong March ng 2005 bago nalasap ang kabiguan sa kanilang rematch noong Enero.

Hindi pa muling nakaakyat ng ring si Morales sapul nang ma-knockout sa unang pagkakataon sa kanyang career at pinag-uusapan ang pagreretiro.

Ang ikatlong sunod na kabiguan ni Morales ay magpupuwersa sa kanyang magretiro na gayunpaman sinabi ng Mexican na puspusan ang pagsasanay sa Los Angeles para sa kanilang "Grand Finale" sa Nobyembre 18 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada. (RCadayona) 

vuukle comment

BAUTISTA

BOOM BOOM

BRAZILIAN GIOVANNI ANDRADE

CEBU CITY

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

GRAND FINALE

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with