^

PSN Palaro

Pinoy pair hari ng World Cup of Pool

-
Tinanghal na hari ang Filipino dream team nina Efren ‘Bata’ Reyes at Franciso ‘Django’ Bustamante sa kauna-unahang PartyPoker.com World Cup of Pool Champions makaraang bugbugin ang USA, 13-5 sa harap ng punumpunong arena sa Newport Centre, South Wales.

Nabulilyaso ang American duo na sina Earl Strickland at Rodney Morris, na inaasahang magwawagi sa laban nang kinapitan ito ng kamalasan ang loose shots at walang kupas na kakayahan ng mga Pinoy sa kanilang karapatdapat na tagumpay.

Sa harap ng may 900 katao sa arena, kabilang na ang malaking bilang ng Pinoy expatriat, napuno ng tensiyon ang kuwarto nang ang dalawang koponan ay maghati sa unang walong racks ng race-to-13 final.

Mula rito, hindi na naging maganda ang pasok para sa mga Amerikano. Nawalan ng kontrol sa cue ball sa break at nahirapan na sa mga sumunod na tira.

Sa kabilang dako naman, nag-init naman ang Pinoy lalung-lalo na si Reyes nang muling gumamit ito ng mga mahikang tira na ikinagulat ng kalaban.

Sa ikalawang bahagi ng bakbakan, napagwagian naman ng Philippine team ang pitong sunod na racks upang tuluyang gitlain ang kalaban.

Gayunpaman, nakahirit pa ng isa ang Team USA para sa 115 iskor ngunit hanggang doon na lamang ang kanilang pagsisikap nang tuluyang hakutin nina Reyes at Bustamante ang final two racks para angkinin ang titulo, tropeo at halagang $60,000.

"It’s funny that every time there is a new big tournament, I win it but all week I thought if we could get to the final we can win," masayang pahayag ni Reyes pagkatapos ng laban.

"The USA is a good team but they were unlucky and that made it easy for us. The support of the fans was brilliant, they’ve come from all over Britain and have looked after us all week."

Kinilig naman si Bustamante sa kanilang kauna-unahang World Cup event at sinabing "In the beginning there was a lot of pressure on us but when we went three games ahead it all lifted. Efren played lots of unbelievable shots; some of them I’ve never seen in my life! That’s why we won.

"They were unlucky because they didn’t get the shots after the break but when he plays perfect and I play good we knew we had a great chance and it is a great feeling to be World Cup of Pool champions," pagwawa-kas ni Bustamante.

BUSTAMANTE

EARL STRICKLAND

EFREN

NEWPORT CENTRE

PINOY

REYES

RODNEY MORRIS

SOUTH WALES

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with