^

PSN Palaro

Desisyon ng FIBA handa nang tanggapin ng POC

-
Handang tanggapin ni Philippine Olympic Com-mittee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. ang anumang desis-yong ibababa ng Inter-national Basketball Fede-ration sa Agosto 27 sa Tokyo, Japan. 

Sinabi ni Cojuangco na ginawa na ng POC ang lahat ng dapat nitong gawin sa hangaring mare-solbahan ang isyu sa pagkakasibak ng General Assembly sa Basketball Association of the Philip-pines (BAP) ni Joey Lina.  

"Ang akin lang dito is we’ve done our part. We’ve complied with the Memorandum of Under-standing. Lahat ng kaila-ngang gawin, ginawa na namin," wika ni Cojuang-co. "It’s really up to FIBA to make a decision." 

Isang delegasyon, pinamumunuan nina POC 1st vice-president Rep. Monico Puentevella at legal counsel Atty. Ding Tanjuatco, ang maglalatag ng kanilang kontensyon sa pulong ng FIBA Central Board sa Agosto 27. 

Nilinaw ni Lina na hindi nakakatiyak ang naturang grupo ng POC kung papa-yagan silang makapag-salita. 

"As a matter of prin-ciple, the (FIBA) Congress can be attended only by FIBA’s national federa-tions or their observers," sabi ni Lina mula sa sulat sa kanya ni FIBA secre-tary-general Patrick Bau-mann. "However, in a further effort to try to solve this matter, we welcome your delegation in Tokyo. Pero ide-decide Na lang ng FIBA Central Board kung puwede silang pu-masok doon at magsalita."

Bunga ng naturang suspensyon ng FIBA sa BAP noong Hulyo ng 2005 mula sa pagsibak ng POC General Assembly noong Hunyo, hindi naka-pagdaos ang POC ng basketball event sa nakaraang 23rd South-east Asian Games noong 2005 at maaari pang hindi makalaro sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre. 

Matapos ang pulong ng FIBA Central Board, opisyal namang ibababa ng FIBA Congress ang kanilang desisyon sa Agosto 28, dagdag ni Lina. (Russell Cadayona)

AGOSTO

ASIAN GAMES

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIP

BASKETBALL FEDE

CENTRAL BOARD

COJUANGCO

DING TANJUATCO

FIBA

GENERAL ASSEMBLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with