^

PSN Palaro

Kailangang bumangon ng Adamson

-
Kailangang makaba-ngon ang Adamson Uni-versity kung nais pa nilang makapasok sa Final Four ng UAAP men’s basket-ball tournament.

Nakita na ng AdU Fal-cons ang daan patungo sa semifinals matapos mag-tala ng ilang panalo ngunit lumihis ang kanilang daan matapos lumasap ng tatlong sunod na kabi-guan.

Ngayon sisikapin ng Falcons na makabawi sa pakikipagharap sa Uni-versity of the Philippines sa alas-4:00 ng hapong sagupaan sa kaisa-isang seniors game sa pagpa-patuloy ng aksiyon sa Ninoy Aquino Stadium.

Dalawang slots na la-mang ang natitira sa Final Four matapos makopo ng Ateneo De Manila Uni-versity (8-0) at ng Univer-sity of the East (7-2) ang unang dalawang slots.

Mahigpit ang labanan ng University of Santo Tomas (4-5), Adamson (3-5), defending champion Far Eastern University (4-6) at ng National Univer-sity (3-6) sa dalawang natitirang puwesto sa semifinals.

Dahil maraming kala-ban umaasa si coach Leo Austria na manunumbalik ang morale ng kanyang mga bata.

Mula nang gamitin ang Final Four format, 12 taon na ang nakaraan, hindi pa nakakalusot sa susunod na round ang Falcons.

Para sa Maroons na nangungulelat sa 2-7 record , sasandal si coach Joe Lipa kina Marvin Cruz, forward Nestor David at rookies, Migs de Asis at Martin Reyes. (Mae Balbuena)

ADAMSON UNI

ATENEO DE MANILA UNI

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

JOE LIPA

LEO AUSTRIA

MAE BALBUENA

MARTIN REYES

MARVIN CRUZ

NATIONAL UNIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with