Ito ay matapos talunin ng Philippine Christian University ang nagdede-pensang Letran College, 59-48, na nagpahigpit sa kanilang unahan para sa naturang insentibo sa second round ng 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang naturang panalo ang nagbigay sa Dolphins ng 9-4 rekord sa ilalim ng San Beda Red Lions (11-1) at Knights (10-3) kasu-nod ang Mapua Cardinals (7-5) patungo sa Final Four.
Hindi inalintana ng PCU, ang 2004 NCAA champions, ang halos 45 minutong pagkakaantala ng laro bago simulan ang fourth quarter bunga ng pagtulo ng ulan sa kisame ng stadium.
Matapos itabla ni Aaron Aban ang Knights sa 43-43 sa 8:17 ng final canto, kinayod naman ni Jason Castro ang isang 7-0 atake ng Dolphins para sa kanilang 50-43 abante, 6:16 rito.
"Hiningi ko lang naman sa mga players ko yung first four minutes ng fourh quarter," ani coach Joe Dualan. "Fortunately, nag-pick up naman yung ibang players, especially Jason Castro."
Tuluyan nang sinelyu-han ng PCU ang kanilang panalo mula sa 3-point shot ni Robby David para iwanan ang Letran, nasa kanilang two-game losing skid ngayon, sa 57-46 sa huling 1:55 ng laban.
Sa inisyal na laro, tinipa naman nina Jeff Libunao at Kris Robles ang huling pito sa kabu-uang 8 puntos ng Blazers sa overtime period para takasan ang Altas, 68-66. Ang naturang panalo ng College of St. Benilde, may 2-11 rekord ngayon, ang pumi-gil sa kanilang 10-game losing slump, habang nahulog sa 4-9 ang baraha ng UPHD.