San Miguel-RP 5 lusot sa Barangay Ginebra

BANDAR SERI BEGAWAN-- Pinigil ng San Miguel-RP Team si Mark Caguioa sa kan-yang pananalasa at malusutan ng Nationals ang Barangay Ginebra, 74-73 upang manatiling walang talo sa 6th Shell Rimula Brunei Cup sa National Indoor Stadium dito.

Pinalibutan nina Dennis Miranda, Dondon Hontiveros at Danny Seigle ang nagda-drive na si Caguioa para pigi-lan ang game-winning floater sa dying seconds. Gayunpaman, hindi sana nakalusot ang Nationals kung hindi naisagawa ni Asi Tau-lava ang kanyang charity shots.

May 12 segundo na lamang ang nalalabi, tumuntong si Taulava sa charity line ni Romel Adducul sa pakikipag-sabayan sa pagkuha ng rebound nang magmintis ang tres ni Seigle.

Kapwa naipasok ni Taulava ang dalawang freethrows at hinatak ni Sunday Salvacion ang rebound  para sa pinal na pagsisikap ni Caguioa na maipanalo ang Gin Kings.

Ang panalo ng Na-tionals ay nagbigay sa kanilang ng unang pu-westo para sa crossover semifinals.

Show comments