Sa siyam na beses na pagha-harap ng UE Red Warriors at ng NU Bulldogs, hindi pa rin nananalo ang huli.
Ipinamalas ng Red Warriors ang kanilang dominasyon sa Bull-dogs sa pama-magitan ng impresi-bong 76-57 pa-nalo na nagka-loob sa kanila ng ikalawang Final Four slot ng UAAP mens basketball tourna-ment na nagpa-tuloy kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
"We wanted to be in the top two, pero kung kaya naming maging No. 1, siguro kakayanin dahil mabigat yung mga kalaban ng Ateneo sa mga remaining games nila," ani coach Dindo Pumaren.
Ang 40-34 abante sa first half ay ginawang 23-puntos ng East ang lamang, 72-49, sa huling 2:08 ng fourth quarter mula sa basket ni Narciso Llagas.
Tumapos sina Bonbon Custodio at Mark Borbo-ran ng tig-13 marka para sa Red Warriors na sumulong sa 7-2 kartada sa ilalim ng Ateneo Blue Eagles na may malinis na 8-0 record.
Sa ikalawang laro, dumiretso naman ang Growling Tigers sa kanilang ikalawang dikit na panalo na nagsulong sa kanila sa 4-5 kartada matapos pasadsarin ang defending champion Far Eastern University, 77-75 na kanilang ibinagsak sa 4-6 record.