Nakatakdang idaos ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) ang 2006 World Pool Championship sa Nobyembre 4-12 sa PICC sa Pasay City.
Kabuuang $400,000 ang prize pot sa naturang torneo kung saan ang $100,000 rito ay makukuha ng magkakampeon.
"The top players from almost 50 nations will be playing here," wika kahapon ni BSCP chairman Yen Makabenta sa 2006 World Pool Championships. "I think this will be the biggest prize money for the World Championship and prizes are being paid up to the 64th placer of this tournament."
Sampung Filipino cue artists ang nakakuha na ng puwesto na kinabibilangan nina 1998 World Pool titlist Efren "Bata" Reyes, 2004 World Pool king Alex Pagulayan at ang maalamat na si Jose "Amang" Parica.
Ayon kay Makabenta, gusto ng BSCP na ipakita sa mga Pinoy ang aktuwal na nangyayari sa isang bigating billiards event.
"Medyo nag-ambisyon lang kami sa BSCP because we really felt its time. Itinuturing kasi ang Pilipinas na we are really the capital in terms of the quality of pool players," ani Makabenta.
Bukod kina Reyes, Pagulayan at Parica, ang iba pang pasok na sa torneo ay sina Marlon Manalo, Dennis Orcollo, Renato Alcano, Gandy Valle, Ramil Gallego, Rodolfo Luat at Chris De Luna. (Russell Cadayona)