^

PSN Palaro

Pacman, ‘di nangangamba

-
Hindi pinangangambahan ni Manny Pacquiao ang kanyang pagiging abala sa ibang bagay gayong dapat ay nagsasanay na siya upang maikondisyon nang mabuti ang sarili para sa ikatlo at huling pagtutuos nila ni Mexican Erik Morales sa Nobyembre 18.

Dumating galing ng General Santos City si Pacquiao upang makadalo sa pagbubukas ng Knockout Bar and Grill sa Baywalk kahapon ng umaga.

Matapos ito ay pinuntahan niya ang L & M Gym na kung saan siya nagsanay noong gumagawa pa lamang siya ng pangalan, at nilibre ng tanghalian ang mga may-ari nito at mga boksingerong nagsasanay dito.

Humarap sa kanya sina Lito Mondejar, Moy Lainez at Gerry Garcia pero wala ang dating business manager niyang si Rod Nazario.

Dahil walang gaanong ensayo ay aminado naman si Pacquiao na tumaba siya pero hindi ito dahilan upang ang mga nagmamalasakit sa kanya ay mag-alala.

"Hindi naman ako over-weight siguro nasa 140 lbs lamang," wika ni Pacquiao na tumatakbo palagi tuwing umaga habang nasa General Santos City.

"Takbo-takbo lang muna. But I plan to report for gym work next week," ani pa ni Pacman.

Idinagdag pa nito na sa kalagitnaan ng Setyembre ay lilipad na siya sa US upang masinsinang magsanay sa ilalim ng pangangalaga ni Freddie Roach.

Pero kasama rin sa plano niya habang nasa US ang panoorin ang pagdepensa ng titulo ni WBC super feather-weight champion Marco Antonio Barrera laban kay Rocky Juarez sa MGM Grand sa Las Vegas sa Setyembre 16.

Manonood si Pacquiao dahil malaki ang posibilidad na isa sa kanila ay maka-laban niya sa susunod na taon.

Pero natural naman na ang lahat ng ito ay nakade-pende sa resulta ng laban niya kay Morales. (LMC)

vuukle comment

BUT I

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GERRY GARCIA

KNOCKOUT BAR AND GRILL

LAS VEGAS

LITO MONDEJAR

M GYM

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with